Chapter 1

170 11 0
                                    

Simula na ng huling taon ko sa highschool. Natutuwa ako dahil huling taon ko na pero sa tuwing naiisip ko na isang buong taon na naman ang gugugulin ko gusto kong umiyak.

Isang napakahabang school year na naman ang kailangan kong matapos nang maayos, walang palya at walang issue. In short, perfect.

Ako ang Class Valedictorian simula unang taon ko sa high school at isa akong iskolar. Sa halaga ng tuition fee dito sa school na ito, kung wala akong scholarship ay hindi ako makakapag-aral dito.

"Kassandra!" Isang malakas na sigaw ang sumalubong sa akin nang makapasok ako sa classroom ng section ko.

"Krizza umagang-umaga ang ingay-ingay mo." Tinignan ko muna siya nang masama bago ko siya nilagpasan.

Siya si Krizza Cheng ang best friend ko simula pa noong pumasok ako sa school na 'to. Siya lang nakatiyaga sa pagiging grade conscious ko.

Hindi ko alam kung bakit palaging masama ang tingin sa akin ng ibang estudyante pero kahit na ganon, wala naman akong pakialam sa sasabihin nila. Gusto ko lang naman makatapos ng highschool nang maayos.

"I miss you best friend! Kamusta ka? Namiss mo ba ako?" Hindi ko ito pinansin at dumiretso na ako sa upuan na nasa harap ng classroom. Pinili ko talaga ang pwesto sa unahan para maintindihan ko ang itinuturo at makapagfocus sa topic. Ayaw kong mayroong mga nakaharang sa akin na hindi naman binibigyan ng atensyon ang pag-aaral. 

Nakasunod sa akin si Krizza habang nagkukwento ito tungkol sa bakasyon niya. Alam kong hindi ito titigil kahit pa hindi ko siya pansinin. Sanay na ito sa ugali ko.

"My summer was boring because you were not answering any of my calls. Tuwing tatawagan ko naman si Tita at tatanungin ko kung ano ang ginagawa mo ang palagi niyang sagot ay natutulog at nagbabasa. Hindi man lang tayo nakapagbeach last summer vacation. I hate you for that you introvert girl." Iritang sabi niya. Gusto kong matawa dahil totoo ang mga sinasabi niya.

Palaging si Mommy ang tinatawagan ni Krizza dahil hindi ko sinasagot ang mga tawag niya. Ayaw ko nang abala sa tuwing nagbabasa ako kaya pinapatay ko ang phone ko. Ito ang depinisyon ko ng bakasyon: magbasa, matulog at magmunimuni.

"You don't hate me. You love me." Nginitian ko siya matapos ko siyang irapan na lalo niyang ikina-inis.

"Etong babaeng 'to parang hindi ako namiss. Don't roll that eyes on me Perez. Baka gusto mong dukutin ko 'yan." Pinagkrus niya ang kanyang mga braso sa harap ng kanyang dibdib at tinaasan ako ng kilay. Hinarap ko siya at ipinagkrus ko rin ang aking mga braso sa harap ng aking dibdib para gayahin ang kanyang ekspresyon.

"Whatever! I miss you, okay? It's just that I am not in the mood to chitchat. I still want to sleep." Tamad kong sagot sakanya. 

"Ang ingay niyo naman!" Napalingon kami ni Krizza sa lalaking nakaupo sa tabi ng upuan na napili ko. Tinignan ko siya ng masama.

"I don't get it why you are always in the front seat though you are not interested to learn." Nakakainis talaga 'tong lalaking to. Hindi ko maintindihan ang utak. Mauupo sa harap para matulog. Nasanay na siguro ang mga teachers sa ginagawa niya sa loob ng classroom kaya hindi na siya pinapansin.

"Sorry, Ice." Napalingon ako kay Krizza at napansin ko na parang nahihiya siya sa lalaking 'to.

"Why would you say sorry? You did nothing wrong." Isa ang bagay na ito sa pinakaiinisan ko. Bakit ka hihingi nang paumanhin kung wala ka namang ginagawang masama. Masyadong nagiging gasgas ang salitang sorry na hindi na naiintindihan ng mga tao ang totoong ibig sabihin nito.

"If you want a peaceful place to sleep then go home. This is a school and not your bedroom." Umiling lamang ito at muling yumuko para ipagpatuloy ang pagtulog.

After EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon