Some things will make us realize how complicated this world is. If you are not strong enough to fight, you will be defeated by your own destiny. Naniniwala ako na tayo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran. Hindi natin kailangang iasa sa destiny ang magiging kinabukasan natin.
Maganda ang umaga ko dahil nabasa ko ang message ni Mico sa akin na nagpapasalamat dahil sa ginawa ko kagabi. There is no big deal about that. Ang tanging ginawa ko lang naman ay pinapasok si Hera sa office para makapag-usap sila. Silang dalawa ang nag-ayos ng sarili nilang problema.
I am happy for Mico, maybe also for Hera. They made their way to each other again. Though, kasalanan naman nila kung bakit sila naghiwalay, para naman sa ikabubuti ng isa't isa ang iniisip nila kung bakit nila ito ginawa.
"Good Morning." Masiglang bati ko kay Mommy at kay Daddy na nakaupo sa dining table at kumakain ng almusal. Humalik ako sa mga pisngi nila bago ako nagtimpla ng kape.
"You are early, Kassandra." Nakangiting puna ni Daddy habang pinapanuod ang ginagawa ko.
"I slept early last night. 8pm pa lang yata ay tulog na ako. Binawi ko na lahat ng puyat ko nitong mga nakaraang araw." Nakangiti kong sagot. Matapos akong nagtimpla ng kape at kumuha ng pinggan ay naupo ako sa tabi ni Mommy.
"At bakit ka naman nagpupuyat?" Kunot-noong tanong ni Mommy sa akin. "Look at those dark circles around your eyes. You look stressed Kassandra." Nag-aalalang sabi ni Mommy habang hinahaplos ang mga pisngi ko.
"Natural niyang itsura 'yan, Mommy." Napalingon ako sa magaling kong kuya na papalapit sa amin. Tulad ko ay humalik muna siya kila mommy at daddy bago nagtimpla ng coffee niya.
"Baka kapag nalaman mo kung anong pinagkakapuyatan ko, masabi mo na lang na ikaw ang pinakaproud na kuya sa buong mundo." Pagyayabang ko dito.
"Ano na naman ba pinagkakaabalahan mo?" Kunot noo niyang tanong.
"Secret muna. Sasabihin ko na lang kapag sure na." Ikinasimagot ni Kuya ang sinabi ko. Hindi ko sigurado kung magugustuhan nila ang pag-aapply ko sa mga University sa abroad pero gagawin ko pa rin. Alam ko namang susuportahan nila ako sa gusto ko at hindi naman ito para lang sa pangarap ko. Ginagawa ko ito para hindi ko na kailangang iasa sakanila ang college ko.
As I enter our classroom, I saw Ice alone sleeping on his seat. Nang maramdaman niyang may ibang tao ay itinaas niya ang ulo niya upang tignan. Ngumiti lamang siya sa akin at muling bumalik sa pagkakatulog.
"You are early." Simpleng sabi ko sakanya. I am trying to make things normal again between the two of us kahit na alam kong imposible ito.
"Yeah." Iyon lamang ang isinagot niya sa akin. Naupo ako sa tabi ng bintana upang tumanaw muna doon. Makikita sa bintana ang mga dumadaang sasakyan at ang mga taong naglalakad papasok sa eskwelahan at trabaho.
"You are early." Nagulat ako nang marinig ko ang boses niya sa tabi ko. Nakatayo siyang nakatingin sa akin.
"Yes." Nahihiyang sagot ko dito.
"How are you?" Naupo siya sa tabi ko at doon yumuko para matulog.
"I'm good. How about you? Antok na antok ka?" Patay malisya kong tanong sakanya.
"Yes. Kila Tatay Ramon ako umuwi kagabi. Medyo nagkasiyahan." Napangiti ako dahil doon.
"Kamusta na sila?" Nakangiti kong tanong. Sila Tatay Ramon ang tumatayong magulang ni Ice sa tuwing sa cabin siya umuuwi. Kung kaya't malapit siya sa pamilya nito.
"Mabuti naman sila. Hinahanap ka nila. Bakit daw hindi ka na dumadalaw sakanila. A g sabi ko ay busy ka dahil graduating tayo na tinawanan nila dahil bakit daw ako ay mukhang walang pinagkakaabalahan." Tumatawa niyang sagot. Napangiti naman ako dahil sa kwento niya. Siguradong masaya na naman silang nagkukwentuhan kagabi. Nakakamiss rin ang pagpunta doon.
BINABASA MO ANG
After Everything
Genç KurguHow can someone choose between their bestfriend and their man? How can someone so brave face this kind of dilemma? Kassandra Thrix Perez is a well-known student in their university as our Little Miss Perfect because of her intelligence and being act...