Chapter 32

32 3 0
                                    


Family always got our back. They are always right there when we need them. They want us to be happy always but am I really happy?

Naaalala ko ang palaging sinasabi sa amin ng lola ko na "Palagi ninyong mas piliin ang pamilya ninyo dahil kahit na ano ang gawin mo, ang pamilya ang palaging nand'yan para tanggapin at mahalin ka." Wala man akong maraming kaibigan, mayroon naman akong Kuya na palaging nand'yan para inisin ako, Mommy na palaging nakasuporta ano man ang gusto kong gawin at Daddy na nahihingian ko palagi ng advice.  They are the best family ever.

"Kuya." Tinignan ko si Kuya na masamang nakatingin sa akin.

"Hindi ko kasi makalimutan ang sinabi mo noong hapong nag-uusap tayo na mas pipiliin mong mas masaktan ka kaysa ang iba dahil kaya mo. Hindi ko nagustuhan iyon. You know that we always want you to be happy." Naiintindihan ko ang gustong sabihin ni Kuya. He is always my protector. "I know that you love and adore Krizza like a sister pero hindi ako sang-ayon sa gusto mong igi-give up mo yung kaligayahan mo para maging masaya siya. Always remember that being in a relationship is always a two way process. It won't work unless the two way made their function. Kahit sa anong klaseng relationship applicable 'yon. Kahit na magbestfriends kayo, magkapatid kayo or lovers kayo, you need to understand both party para magwork ang relasyong binuo ninyo. Palagi ninyong tatandaan 'yon ha? Alam kong bago kayo pareho sa pinasok ninyo kaya ko sinasabi sainyo 'to." One thing I love the most about my Kuya is that he always understands me. Kapag meron siyang hindi nagustuhan sa ginawa ko, ipaiintindi niya sa akin ang pagkakamali ko pero pipilitin niyang intindihin kung bakit ko iyon ginawa. Palagi niyang iniisip na may dahilan lahat ng ginagawa ko.

"Thank you, Kuya." Lumapit ako sakanya para yumakap. Lumapit rin si Mommy para sumali sa yakapan namin. 

"Group hug!" Masayang sabi ni Daddy kung kaya't lumapit rin si Ate Lean para yumakap sa amin. 

"Group hug daw." Sabi ni Kuya habang nakatingin kay Ice na nakatingin lamang sa amin. 

"Come here, son. Join us. We are family now." Nakangiting sabi ni Daddy. Napansin ko ang pamumula ng mukha ni Ice habang papalapit sa amin. 

"Thank you po." Mahinang sabi nito. 

Habang kumakain ay punong puno ng kwentuhan at tawanan ang hapag-kainan dahil bumalik na ang mga kalokohan ni Kuya. Ang sabi ni Ate Lean ay isa ito sa mga naging dahilan niya kung bakit niya nagustuhan ang kuya. 

Daddy is sitting on the center of the table. Mommy is sitting in his right side while kuya is on his left side. I am sitting beside mommy then Ice is sitting next to me. Ate Lean is sitting next to kuya.

"What can you say about the food?" Kuya smirked at Ice that is why Ate Lean hit him. 

"Hindi masarap." Pagbibiro ni Ice kay Kuya.

"Makakaalis ka na." We all laughed because of that. Sana hindi magbago ang closeness ni Kuya at ni Ice. I love them both. 

"Masarap nga kasi. Ang dami ko na nakain oh." Ipinakita pa ni Ice ang kinakain niya kay Kuya. Ewan ko ba dito sa dalawang 'to. Palagi na lang nagbabangayan. 

"Nagluluto ka?" Mayabang na tanong ni Kuya kay Ice. 

"I know how to cook breakfast." Tumatawang sagot ni Ice. 

"Pareho kayo. Kapag kayo ang naging mag-asawa, mabubuhay kayo sa hotdog at itlog." Iiling-iling na sabi ni Kuya.

"I also know how to prepare pancake." Mayabang na sabi ni Ice na ikinatawa namin.

After EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon