After fitting of the gown and the tuxedo, binayaran na ito ni Ice. Nagulat pa si Tita Marie na magbabayad si Ice. Ang sabi daw kasi ng mommy niya, siya na ang magbabayad pero hindi pumayag si Ice.
"Nasa office pa po si Kuya Ivan?" Tanong ni Ice kay tita Marie.
"Hay naku, wala na. Tumawag si Claire kaya mabilis na umalis." Nginitian na lamang ni Tita Marie si Ice. Mukhang nagkaintindihan na si Ice at Tita Marie sa mga tinginan nila.
"Okay lang po, Tita. Mauna na po kami." Paalam ni Ice.
"Sige, ipapadala ko na lang bukas sainyo ang mga napili ninyo. Nakuha ko na rin ang address ni Kassandra kaya wala nang problema." Paliwanag ni Tita Marie. Nang sinabi ni Ice na mayroon pa kaming pupuntahan pagkatapos sa shop, si tita Marie na ang nagdecide na ipapadala na lang sa bahay ang mga nabili namin.
"Let's eat?" Pag-aaya ni Ice sa akin.
"Sure. But please let me pay this time. I'll treat you." Sabi ko na inilingan lang ni Ice.
"No." Simpleng sagot niya.
"Then, let's just go home." Nakasimangot kong sagot.
"I'll let you pay but I will be the one who will choose where to eat." Nakangiting sabi ni Ice na sinang-ayunan ko. Nahihiya na ako kung magpapalibre pa ako sakanya.
"Okay, fine."
"Let's go to jollibee." Masayang sabi niya.
"Ang daya mo naman eh." Sabi ko habang nagpapapadyak.
"Why? What's the matter?" Natatawa niyang sagot.
"Wala. Tara na sa Jollibee. Gusto ko ng spaghetti!" Nagsimula na akong maglakad at hindi ko na siya hinintay. Nang mahabol niya ako ay inakbayan niya ako.
Tinignan ko siya nang masama bago ko inalis ang kamay niyang nakaakbay sa akin. Tumawa lang siya na parang baliw habang naglalakad kami.
Nang makarating na kami sa Jollibee, nagtalo pa kami kung sino ang mag-oorder. Pero pinagpilitan kong ako ang oorder kasi ako magbabayad kaya ako ngayon ang nakapila ngayon sa counter. Ako na raw ang bahala sa kung anong gusto kong bilhin.
Umorder na lamang ako ng dalawang Chicken Joy with rice, dalawang spaghetti, dalawang medium size na fries at dalawang large size na iced tea.
"Ang dami nito. Mauubos natin 'to lahat?" Nagtatakang tanong niya
"I don't know." Natatawa kong sagot sakanya.
"Mauubos natin 'to kasi hindi naman tayo nagmamadali eh." Nginitian niya lang ako.
Nagsimula na kaming kumain habang nagkukwentuhan kami ng tungkol sa mga buhay buhay namin.
"What's with Ivan?" Tanong ko dito kung kaya't napatingin siya sa akin.
"Ivan is my childhood friend. Mas matanda siya ng 2 years sa atin. We live in the same village when we were young. Lumipat na kasi sila ng bahay nang maghighschool na siya. We were very close until naging girlfriend niya si Claire." Nagpatuloy siya sa pagkain habang ako'y naghihintay ng idudugtong sa kwento niya.
"And then?" Iritang tanong ko na nakapagpatawa sakanya.
"Claire is our childhood friend also. Tatlo kami. I liked her since we were young. Alam ni Ivan yon. And then 4 years ago, nalaman ko na lang girlfriend na niya si Claire. So, ayun." Nagkibit balikat na lamang siya matapos niyang magkwento.
"Do you still like Claire?" Dire-diretso kong tanong. Nagulat kaming pareho sa tanong ko.
"You don't need to answer that. I'm sorry for being nosy." Umiwas ako ng tingin matapos kong sabihin iyon. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa tinanong ko.
BINABASA MO ANG
After Everything
Teen FictionHow can someone choose between their bestfriend and their man? How can someone so brave face this kind of dilemma? Kassandra Thrix Perez is a well-known student in their university as our Little Miss Perfect because of her intelligence and being act...