Chapter 31

40 4 0
                                    

We, people tend to overthink. We complicate things that is supposed to be simple. Ganoon siguro talaga kapag nag-iisip ang isang tao. Naalala ko ang sinabi ni Kuya sa akin na kapag mas pinairal ko ang utak ay hindi ako magiging masaya. Dahil siguro ang utak ay kontrolado natin samantalang ang puso ay tumitibok ng kusa.

Kung ang Kassandra noong isang araw ang tatanungin, sigurado'y utak ang paiiralin ko dahil lumaki akong iniisip ang lahat ng gagawin ko. Lumaki akong kontrolado ko ang mga gusto kong mangyari sa buhay ko. Hindi ako gumagawa ng isang desisyon na hindi ako sigurado sa kalalabasan at kahihinatnan. Ito marahil ang dahilan kung bakit hindi ko maintindihan ang mga kabataang ka-edad ko na puro pagsasaya ang inaatupag dahil ako sa sarili ko ay hindi ko alam kung ano ba talaga ang kahulugan ng pagsasaya.

Pero ang Kassandra ngayon na nakaupo sa tabi ng lalaking mahal ko ay sobrang saya. Mayroon man akong pag-aalinlangan sa mga pwedeng mangyari kinabukasan ay hindi nito mapapantayan ang sayang nararamdaman ko ngayon.

"What are you thinking?" Tanong ni Ice sa akin habang pinaglalaruan ang mga daliri ko. Nandito kami ngayon sa bahay. Ininvite ni Kuya si Ice na dito maglunch dahil hindi raw sila nakapagusap kahapon.

"Wala. Iniisip ko kung ano na naman ang binabalak ng magaling kong kuya at pinapunta ka dito sa bahay." Napansin ko ang pagngisi ni Ice kung kaya't napakunot ang noo ko.

"'Wag mo na kami intindihin ng Kuya mo. We are cool, right kuya?" Pang-iinis ni Ice kay Kuya na pababa ng hagdan at masamang nakatingin sa akin. Kahapon lang ay takot na takot si Ice kay Kuya pero ngayon ay binibiro-biro niya na naman 'to.

"'Wag mo akong tawaging kuya dahil hindi kita kapatid." Masungit na sabi ni Kuya. Binawi ko ang mga kamay kong pinaglalaruan ni Ice nang mapansin kong doon nakatingin si Kuya. Napailing naman ito dahil sa ginawa ko.

"Kuya, ang sungit mo." Inirapan ko siya matapos kong sabihin 'yon.

"Maglayo layo kayo ng kaunti. Naaalibadbaran ako sa pagmumukha niyong magkadikit." Tumawa kami ni Ice dahil sa sinabi nito.

"Ang sungit sungit mo. Dito kakain si Ate Lean?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Oo. Anong gusto mo ikaw lang uubos ng mga niluto ko?" Natuwa naman ako nang malaman kong si Kuya ang nagluto.

"Kaya siguro pinapunta mo si Ice dito para iflex yung luto mo." Pang-iinis ko sakanya. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Ice.

"Oo para makita niya rin kung gaano ka kalakas kumain. D'yan na nga muna kayo at susunduin ko si Lean o gusto ninyong sumama?" Ang kuya ko talaga kung minsan di mo maintindihan ang mood swings eh.

"Let's go? Sama tayo." Pag-aaya ko kay Ice.

"How about we buy something for dessert instead?" Suhestyon ni Ice.

"Gusto mo na namang solohin ang kapatid ko. Hindi ka pa ba nagsawa kagabi?" Iritang sabi ni Kuya.

"Stop it, Kriss." Pang-aasar ko kay kuya para hindi niya masyadong mapansin ang hiyang nararamdaman ko. Tuwing mababanggit ang mga nangyari kagabi ay nararamdaman ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa hiya.

"Kriss mong mukha mo." Pinitik niya ako sa noo bago siya lumabas ng bahay. "Hindi talaga kayo sasama sa akin?" Rinig naming tanong niya mula sa labas ng bahay.

"Hindi na Kuya." Sigaw kong pabalik sakanya. Ramdam ko ang pagiging awkward ni Ice kay kuya kung kaya'y hindi ko na pinilit pang sumama sakanya. "You okay?" Tanong ko kay Ice.

"Yes." Yumakap siya sa akin at ibinaon niya ang kanyang mukha sa mga leeg ko. "Hiyang hiya ako sa kuya mo. Hindi ko masalubong mga tingin niya. Para niya akong gustong kainin ng buhay." Natawa ako dahil sa sinabi niya.

After EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon