Hinayaan ko na lamang si Ice kung saan n'ya gustong kumain. Nagugutom daw siya kung kaya't kailangan n'yang kumain bago makapagkwento ng mga gusto kong malaman.
"Let's just take the food out then punta na lang tayo ng park para tahimik at makapag-usap tayo ng maayos". Ipinagkibit-balikat ko na lamang ang kanyang sinabi. Ayaw ko nang magsalita baka maiyak na naman ako.
Nag-drive thru na lamang kami sa pinakamalapit na fastfood. Tahimik siyang nagmamaneho nang bigla siyang huminto sa tabi ng daan. Saan na naman to pupunta?
"Where are you going?" Tanong ko bago s'ya nakalabas ng sasakyan.
"Bibili akong isaw. Gusto mo?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Kumakain ka ng isaw?" Natatawa kong tanong.
"Yes, why? Hindi ka kumakain no'n? I've been craving for it since last week. Tara?" Tumango ako at sumama sakanya sa bilihan ng isaw. Ang gara ng kotseng dala niya pero heto s'ya masayang nakikipagbiruan kay manong na nagtitinda ng isaw na parang matagal na silang magkakilala. Ipinakilala niya pa ito sa akin bilang si Tatay Ramon.
"Girlfriend mo, iho?" Nakangiting tanong ni Tatay Ramon sakanya.
"Alam mo 'Tay, pang-ilang beses nang may nag-akalang girlfriend ko 'to. Bagay ba kami?" Nakangiti n'yang tanong kasabay ng pag-akbay sa akin. Tinignan nya ako at tumawa nang makitang nakasimangot ako.
"Hindi po 'tay. Magkaklase lang po kami." Nahihiya kong sagot.
"Aba'y pagkabagal naman pala nitong bata ko. 'Yong mga ganyan kagandang dalaga ay hindi kinakaibigan o kinakaklase yan. Alam mo ba ang Nanay Sally mo noong kabataan namin? Hindi kagandahan pero ewan ko ba at kapag tinitignan ko'y napapangiti na lamang ako. Siguro'y kamukhang clown, ano?" Nakatanggap tuloy siya ng isang batok sa kanyang asawa na ikinatawa namin.
"Kaya pala sabi mo noong nililigawan mo ako na ako ang pinakamagandang babae sa paningin mo." Ginantihan ng isang mapang-inis na ngisi ni Nanay Sally si Tatay Ramon.
"Ay syempre nanliligaw ako. Sino ba namang manliligaw ang hindi nambobola?" Natatawang sagot n'ya kung kaya't isang hampas naman sa braso mula sa asawa ang kanyang natanggap. Nakakatuwa ang pagbibiruan nilang mag-asawa. Nakikita ko sila mommy at daddy sakanila. Ganyan rin sila kung mag-inisan. Makikita talaga sa mga mata ang pagiging inlove.
"Ikaw ba iha, binobola-bola ka rin ba nitong batang ito?" Nakangiti niyang tanong sa akin.
"Hindi po 'Nay. Hindi po siya nanliligaw. May tatapusin lang po kaming report kaya po kami magkasama." Nakangiti kong sagot sakanila kahit na nakakaramdam na ako ng pagkahiya dahil sa sinasabi ng mag-asawa.
"Ano nga ang pangalan mo iha?" Tanong ni Tatay Ramon.
"Kassandra po." Pagkasabi ko ng pangalan ko'y nagkatinginan ang mag-asawa at sabay na tinapunan ng tingin si Ice. Tila isang baliw naman itong ngingiti-ngiti at sisipol sipol habang iniiwasan ang tingin ng mag-asawa.
"Kaya naman pala kanina pa nakangiti itong isang to, Sally." Tumingin siyang muli sa akin at nginitian ako. Tumawa naman ang kanyang asawa at nakangiti akong tinignan.
"Bakit po?" Nagtataka kong tanong.
"Kasi itong batang to, may gus.."
"May gusto ka pa bang bilhin, Kassandra?" Pag-iiwas niya sa gustong sabihin ni Tatay Ramon. Nagtawanan naman ang mag-asawa dahil sa ginawa ni Ice. What was that for? Tinignan ko si Ice na hindi makatingin sa akin.
"Hindi na. Nakarami na akong isaw. Ang sarap po ng tinda n'yo. Ang sarap po ng sauce." Sabi ko habang nginunguya ang huling isaw na inorder ko.
"Kaya binabalik-balikan ko 'tong sila Tatay Ramon at Nanay Sally. Dito ko unang natikman ang isaw." Nakangiting sabi niya. Tumingin siya sa akin at nakita kong may sauce sa gilid ng labi niya.
BINABASA MO ANG
After Everything
Teen FictionHow can someone choose between their bestfriend and their man? How can someone so brave face this kind of dilemma? Kassandra Thrix Perez is a well-known student in their university as our Little Miss Perfect because of her intelligence and being act...