Chapter 10

104 8 0
                                    

The semester is almost over. We are just waiting for the final exams schedule next week. One last semester and our high school life will be over too.

I am currently searching for a good university. I will be taking up Bachelor of Science in Accountancy. I took an entrance exam to some well-known university in the country and also abroad and tried to applied for a scholarship grant. I don't want to be a burden to my parents. My parents and my brother are willing to pay for my tuition fee to whatever university I want to study but still I need to help them in terms of financial matter.

"Kath." Naupo si Krizza sa kaharap kong upuan at isa-isang inilabas ang mga libro para mag-aral.

"I'm so tired." Reklamo ko kay Krizza.

"Masyado ka na namang nagpapagod kaka-aral mo. Do you want to grab some snack? There's a new open coffee shop outside the school. Let's try it." Excited niyang tanong.

"Wala ka pa ngang nasisimulan sa mga dapat mong aralin, nag-aaya ka nang kumain?" Inirapan ko siya na nakapag-patawa sa kanya. Rinig namin ang pagtunong ng bell ng librarian na hudyat na kailangan naming tumahimik. Nakatingin sa amin ang mga estudyante at ang librarian.

"Sorry". Nakangiting sabi ni Krizza.

"Hindi talaga bagay sa library yang bibig mo Krizza. Tara na nga. Sa coffee shop na tayo mag-review."

Mabilis naming tinungo ang sinabing coffee shop ni Krizza. Sa pinakadulong part kami umupo para hindi kami masyadong maabala sa pagrereview namin. Karamihan ng tao sa loob ng coffee shop ay kapwa namin estudyante na nag-aaral para sa final exam.

Umorder lamang kami ng frappe at sandwich para madali itong kainin habang nag-aaral. Nang maamoy ko ang pagkain sa loob ng shop, doon lamang ako nakaramdam ng gutom. Hindi ko na namalayan ang oras. Alas dos na pala ng hapon at hindi pa ako kumakain ng tanghalian.

Nagpatuloy lamang kami sa pag-aaral nang may pumasok na isang grupo ng estudyante nagtatawanan sa loob ng coffee shop. Naagaw ang atensyon ng lahat dahil sa tawanan ngunit isang tao lang ang nakaagaw ang atensyon ko. Sa isang lalaking malaki ang ngiti habang nakikipagtawanan sa isang babaeng nakapalupot ang braso sakanya.

"May girlfriend na pala si Ice?" Tanong ni Krizza sa akin. Kapansin-pansin ang pag-iiba ng emosyon niya nang makita ang lalaki. Nakatingin lamang siya sa mga ito.

"I don't know. Siguro?" Tumingin akong muli sa kinaroroonan ng lalaki at ng mga kasama nito.

Apat na buwan na rin ang nakalipas mula nang mapagkamalan akong girlfriend ni Ice. Ang sabi niya sa akin noon ay wala siyang girlfriend.

Hindi na kami nagka-usap ni Ice simula noong maging maayos na ang issue sa school. Tanging mga ngiti na lamang ang pagbabatian namin kung magkakasalubong kami sa loob ng campus. Lumipat na rin siya sa pinakalikod na upuan sa classroom kaya hindi na kami magkatabi.

Bigla siyang napatingin sa amin kung kaya't mabilis akong nag-iwas ng tingin.

"Ang ganda niya. Hindi malabong magkagusto nga si Ice sakanya." Seryosong sabi ni Krizza.

"Baka myembro nila o kaya'y kaibigan nila?" Sabi ko at mabilis na tinapunan ng tingin ang pwesto nila. Napansin kong nakatingin pa rin siya sa akin kung kaya't mabilis akong umiwas.

"Mayroon ba silang miyembrong babae?" Tanong ni Krizza na ipinagkibit-balikat ko na lamang.

Nagpatuloy kami sa pag-aaral ngunit hindi ko maiwasan ang pamaya't maya kong pagsulyap sa kanila. Tama nga si Krizza. Napakaganda ng babaeng kasama niya. Kitang kita ang pagiging sopistikada sa bawat galaw niya. Halatang galing sa mayamang pamilya.

After EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon