Tonight will be the Anniversary Party of GGC. Mommy did not go to work today. She is now preparing for my Kuya's tuxedo.
Pinapanuod ko si Kuya na paikot-ikot sa loob ng bahay at tarantang taranta. Tinignan ko ang oras at nakita kong 2pm pa lang. 7pm pa ang start ng party. Si Daddy nga ay pumasok pa sa work. Kami ni Mommy ay hindi pa rin nagpeprepare. Ewan ko ba kay Kuya kung bakit ang aga aga pa ay tarantang taranta na.
"Kuya, what time ka pupunta sa venue?" Natatawa kong tanong.
"Sabay-sabay tayo." Sagot niya sa akin na parang nagtataka sa tinanong ko.
"Akala ko kasi ikaw nag mag-aayos ng venue. Ang aga aga pa. Maupo ka nga. Ako ang nahihilo sa'yo e. Kanina ka pa hindi mapakali d'yan. Kausap ko na si Ate Lean at papunta na siya dito." Inirapan ko siya matapos kong sabihin ito. Naupo siya sa tabi ko at sumandal sa balikat ko.
"Natataranta ako kasi may presentation mamaya para sa kasalukuyan naming ginagawang mall. Alam mo naman, head engineer ako sa project na to." Kinakabahan na nga ay nakuha pang magyabang.
"Kayang-kaya mo iyon Kuya. Mag ready ka na lang rin para prepared ka kung ano man mangyayari mamaya." Itinulak ko ang ulo niya at tumayo.
"Mommy, I will take a bath na. Papunta na si Ate Lean. You have to prepare na." Sigaw ko habang paakyat ng kwarto ko.
Si Ate Lean na ang mag-aayos sa amin. Simpleng make-up lang naman ang balak naming gawin. Kailangan ko na maligo para makapagprepare na rin para sa party mamaya.
Bago ako pumasok ng kwarto ay narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Nang tignan ko kung sino ang nagtext, nakita kong si Ice iyon.
From: Ice
See you later, beautiful. I'm so excited to see you.
Napangiti ako dahil sa text na 'yon. Kung minsan ay hindi ko na alam kung ano ba talaga ang ibig sabihin ni Ice sa mga kinikilos at sinasabi niya.
"Aray!" Napatingin ako sa pintuan kung saan nanggaling ang tumama sa aking towel at nakita ko si Kuya na nakatingin ng masama sa akin. Siya pa ang may ganang tumingin sa akin ng gano'n, e siya nga ang namato ng twalya doon.
"Anong nginingiti-ngiti mo jan?" Naiinis na tanong niya sa akin.
"Wala. Bakit ka ba namamato?" Nagpapapadyak kong tanong sa kanya.
"Halatang-halata ang kilig mo. Hindi ka pupunta ng party. Dito ka lang. Ikukulong kita sa kwarto mo." Naiinis talaga siya dahil sa nakita niyang nakangiti ako habang binabasa ko ang text na galing kay Ice? Kasalanan ko bang kinikilig ako? Natawa ako sa aking naisip.
"Para kang tanga, Kuya." Tumatawa akong lumapit sakanya. Yumakap ako sa baywang niya.
"Naiirita na talaga ako kay Ice. Kung hindi lang anak ng amo ko 'yon baka nasuntok ko na 'yon e." Tumawa lang ako dahil sa sinabi niya. Lalong nainis si Kuya nang malaman niyang hinayaan kaming dalawa nila mommy na magstay sa bahay nang kaming dalawa lang. Kasalanan niya naman 'yon eh. Hindi siya umuwi noong gabing 'yon.
"Ano ba kuya? Wala namang ginagawang masama yung tao e." Paliwanag ko sakanya na lalo niyang ikinainis.
"Lalaki ako, Kassandra. Alam ko kung kailan may gusto sa babae ang isang lalaki. Sa ngayon, wala pang ginagawa yang lalaking yan pero hihintayin pa ba natin yon?" Napabuntong hininga siya matapos niyang sabihin iyon. "Siguro nga ay OA ako magreact, masisisi mo ba ako? May umaaligid nang lalaki sayo." Sabi niya bago ako niyakap.
"Sali naman ako jan oh." Napatingin kami kay Mommy na papalapit sa amin. Yumakap rin ito sa amin ni Kuya.
"Pictuuuure!" Excited na sabi sa amin ni Ate Lean. Nakasilip na siya sa lente ng kanyang camera. Ngumiti kami para makuhanan kami ng picture ni ate Lean.
BINABASA MO ANG
After Everything
Dla nastolatkówHow can someone choose between their bestfriend and their man? How can someone so brave face this kind of dilemma? Kassandra Thrix Perez is a well-known student in their university as our Little Miss Perfect because of her intelligence and being act...