Chapter Nine
Matapos i-park ni Cloud ang sasakyan sa parking lot ng school ay agad na kaming bumaba. Dederecho na sana ako papasok ng school kung hindi lang napukaw ng Aking pansin ang Isang itim na Honda Civic hindi kalayuan sa aming pwesto.
Napangise ako. It's payback time.
"You go ahead. I'll just do something." More likely crash something.
Napatigil naman silang tatlo sa paglalakad nang mag salita ako. Cloud looked at me curiously habang ang dalawa naman ay magiliw lang na tumango.
"Okay! Wag ka nang masyadong tumagal at baka ma late ka pa. See you!" Tumango lang ako kay Chea.
Saglit pa akong tinapunan ni Cloud ng isang mapanuring tingin. Tila gusto pa nitong mag tanong ngunit hindi na nya nagawa nang hilain na sya ni Freya.
Napailing nalang ako. I'm sure this won't take long. Napangise ako habang nakatingin sa kotseng nasa Aking harapan. Nilalaro ko sa Aking kamay ang hawak na baseball bat na kinuha ko sa aming dalang kotse.
Being a gangster, dapat always ready kami dahil hindi namin alam kung kelan mayroong sasalubong sa aming kalaban, kaya may dala kami palaging armas.
Ako ang na aawa sa makinang na kotseng nasa Aking harapan. Mukha pa naman itong Bago, ngunit tuwing na aalala ko kung sino ang nag mamay-ari nito at kung anong ginawa sa akin ng Taong yun ay umiinit lang ang Aking ulo.
Wala awa kong pinaghahampas ang salamin ng kotse. Isang hampas ay narinig ko na Ang alarm ng kotse ngunit hindi ako tumigil sa Pag hampas. Ilang saglit pa ay tumigil na ako at sinuri ang kalagayan ng sasakyan.
Natawa nalang ako nang makita kung gaano ito kasira. Basag ang lahat ng salamin nito, pati na rin ang magkabilaang ilaw at signal light sa harap at likod. Maging ang hood nito ay nayupin rin, pati na Ang pinto.
Saka lang ako tumalikod at umalis nang makaramdam ng satisfaction. Papabalas palang ako ng parking lot nang mapabaling ako sa sasakyan. Aligagang nakatayo roon ang Isang security guard. Hindi mawari ang gagawin. Halos maubos na Ang kanyang buhok dahil sa paulit-ulit nitong pag kamot sa ulo kasabay ng paglalakad paikot-ikot sa sirang sasakyan. Napangise nalang ako at tuluyan nang pumasok ng campus na may magaang dibdib.
It feels good. no! It feels great! Feeling ko lahat ng galit ko para sa lalaking yun ay nailabas ko na. Gustong gusto kong gawin sa kanyang Pag mumukha kung ano mang ginawa ko sa kanyang sasakyan but I won't do that, kaya mabuti nang Yung sasakyan nya nalang ang magdusa.
Abot-abot hanggang langit ang pigil ko sa tawang gustong kumawala nang makita ko ang Pag mamadali ni Dylan at ng kanyang mga kaibigan patungo sa parking lot.
Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nakita nya ang pinakamamahal nyang sasakyan sa ganong estado?
Natatawa nalang akong tinatahak ang daan patungo sa classroom namin habang hawak ang strap ng Aking backpack.
"What did you do again Zen?" Yan ang salubong sa akin ni Cloud nang maka-upo ako sa kanyang tabi.
I look at her with a smirk. "Nothing much." Kibit balikat ko.
"Anong gulo yung meron sa labas?" Nagtatakang tanong ni Chea habang nakasilip sa bintanang nasa Aking tabi.
Halos isiksik nilang dalaw ang kanilang mga sarili sa Aking tabi para lang maki-usyoso sa kumosyong nangyayari sa labas.
Halos Lahat kasi ng mga estudyande ay tumatakbo rin patungo sa parking lot marahil gustong maki usyoso sa nangyari.
"Sino ba raw kasi ang mag gawa?" Rinig naming tanong ng Isang estudyande sa Kasama nya nang dumaan sa bintana.
BINABASA MO ANG
CHAOS
RandomCOMPLETE!! Love is a battlefield. You maybe lose at first but it can be your motivation to stand and fight for the people you love. In the world where blood normally flows on the floor Zenny Marie Cruz riens. A woman with a past filled with chaos...