CHAPTER 12

13 2 0
                                    

Chapter Twelve

Pag-mulat ko palang ng Aking mga mata sa umaga ay agad nang pumasok sa aking utak ang mga katagang sinabi ni Cloud kagabi at Wala parin akong maisip na paraan upang makausap sina Freya at Chea.

Alam na ni Cloud ang Plano ko at maging sya ay hindi sang-ayon sa Plano ko ngunit alam nya ring Wala nang iba pang paraan upang malayo sa kapahamakan ang apat na lalaki.

Agad Kong binalingan ang aking pinto nang may kumatok doon siguradong sina Freya at Chea nanaman iyon, marahil ay nag tutulakan nanaman silang dalawa kung sinong mag sasalita upang gisingin ako. Mag sasalita na sana ako upang ipaalam na gising na ako nang marinig ko ang ibang boses.

"Uh. Zen. Wake up! Cloud already cooked our food!" Boses iyon ni Blake na agad namang sinundan ng boses ni Freya.

"Lintek ka! Bakit ba padalos-dalos ka kung mag salita, hindi mo ba alam na dragon yang ginigising mo? Pwede ka nyang bugahan ng apoy. Jusko!" Rinig ko ang nag hihesteryang boses ni Freya na tila ba pinapagalitan si Blake dahil nakagawa ng Isang malaking kasalanan.

Napabuga nalang ako ng isang malalim na hininga bago pumasok sa banyo at naligo na. Hindi na ako nag abala pang ipaalam sa nang gugulong sina Freya at Blake na gising na ako. Hanggang sa matapos ako sa Pag bibihis ay rinig ko parin ang nakakairitang katok sa aking pinto ngunit Wala nang nag babangayan.

Akmang mag sasalita na ako para sabihing lalabas na ako nang marinig ko ang pinaka hindi ko inaasahang boses.

"Hey Sleeping beauty wanna be, no prince will going to kiss you just for you to wake up because your door is lock so wake up on your own now before I wreck this door of yours! We're going to be late!" Laglag ang panga ko habang naiwan naman sa ere ang aking kamay na akmang kukuha ng damit.

Mariin Kong tinapunan ng masamang tingin Ang pinto habang nag susuot ng damit. Paano ko ba matatagalan ang lalaking to?! Ngayon palang nga eh naiinis na ako sa kanya at halos atakehin na ako ng high blood dahil sa kanya kaya paano ko kaya mapapanindigan ang Plano kong mapalapit sa kanila para lang sa kapakanan Nila.

"Aren't you-!" Nakita ko ang mukha nyang halos sumabog na nang buksan ko ang pinto.

"I don't need at prince to kiss me that's why I locked the door, jerk!" Hindi parin nag Bago ang kanyang ekspression kaya iniwan ko na sya at dumiretso nang bumaba ng patungo sa maingay naming mga Kasama.

Habang pababa ako ng hagdan ay natatanaw ko sina Freya kausap ang iba pa. As I can see hindi ko na ata kaylangan pang utosan sina Freya at Chea na kaibiganin sina Blake at Tyron para ma protektahan Nila ito. Tanging si Cloud nalang talaga ang dapat Kong pag sabihan. Kaylangan nyang makisama kay Sky para magawa namin ng tama ang Plano namin and as for me, I'll try to be close with the damn jerk!

Matapos naming kumain ay agad na kaming tumuloy sa van na gagamitin. Aalma pa sana akong dapat ay magkahiwalay ang grupo namin sa Pag punta sa school pero base sa napag desisyonan ni Tita Beth ay kaylangan  naming mag sabay papasok ng paaralan at pauwi ng bahay. Shit! Kung hindi lang Sana ito pabor sa plano namin hindi na sana ako papayag!

Si Sky ang nag presintang mag Drive at dahil nga sa letseng Plano namin ay magkatabi sila ni Cloud ganon din sina Freya at  Blake pati na sina Chea at Tyron na nasa second row. And unfortunately, Nasa pinaka dulong bahagi ako ng van katabi ang lalaking kina iinisan ko. Tch!

Kung gaano kaingay ang apat na nasa gitnang bahagi ay ganon naman kami katahimik. Hindi ko nga alam kung paano Kong na tagalan na makatabi ang lalaking yun. Nanatili nalang akong nakapikit habang nakasandal ang ulo sa bintana habang tinatahak namin ang daan patungo sa DH. Saka lang ako nag mulat nang maramdaman ko ang Pag Hinto ng sasakyan.

CHAOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon