CHAPTER 34

2.4K 58 7
                                    

Her eyebrows furrowed when she entered the conference room seeing there are two chairs prepared in the center table that was supposed to be for CEO only.

Umupo siya sa isang upuan at mariing tinitignan ang marketing team na nag aayos ng presentation sa harap.

Unti unti ng dumadating ang mga empleyado pati na rin ang team ng kanilang business partner.

Marami ang nagbago ng wala ka Iana!  Saad niya sa sarili.

Handa sila maliban na lang sa CEO nito.

"Ma'am puwede po muna kayong mag meryenda habang wala pa ang hinihintay natin" binalingan niya ang sekretarya.

"It's okay ate Mila, busog pa ako" she smiled at kinuha ang cellphone sa katabing bag.

Tinawagan niya ang kanilang kasambahay na nag aalaga kay Dane dahil hindi sumasagot ang ina. Pinakain niya lang si Dane at iniwan sa kasambahay nila. Hindi pa nakarating ang ate at asawa dahil nag extend daw. Hays, pag honeymoon nga naman.

Mag iisang oras na silang naghihintay ngunit wala pa rin ang importanteng tao na hinihintay nila. Everybody is ready and everything is settled, ang CEO na lang talaga ang kulang.

"Wala pa ba ang hinihintay natin? We're waiting for almost 1 hour, that's unprofessi....." Naiinis na saad niya ngunit hindi na iyon natapos ng may biglang sumingit.

"I'm sorry for being late everyone, family matters" napakunot ang noo niya sa isang pamilyar na boses. She even slowly tapped her right ear kung totoo ba ang naririnig niya.

Hindi siya lumingon na baka tama ang inaakala niya. Deretso lang ang tingin niya sa harap kahit ang puso ay dumadagundong na sa tibok.

Her nose was filled by his mint scent when he sat beside her. Alam na alam niya ang amoy na iyon at para makumpirma, she gave a small glance at hindi nga siya nagkakamali. It's him, it's really him.

His defined nose, sharp jawline, thick eyebrows and blue eyes are perfect combination to his face. Kahit hindi niya tignan ang kabuoan nito alam niyang sexy pa rin nito. He already saw him though.

Umayos siya ng upo at hindi na nag abalang tignan ang nasa tabi dahil mag uumpisa na ring magpresent ang Marketing Team ng Kompanya nila.

"Good Morning everyone especially to our New CEO, Miss Dahaiana and to Mr. Aleksandrov of A.Glyr Apparel" Leona, the marketing team made her introduction. Even she's shocked, ipinagwalang bahala niya ang sinabi nitong NEW CEO kahit 1 month lang dapat siya.

"We are all now here for the biggest project of two Company's Collaboration. As for the first meeting two weeks ago, we are the one who will provide a designer but A.Glyr's apparel designs will also matter. And to introduce to you, our head designer will be our very own Miss Dahaiana Grande, a Famous Filipina Designer at Italy." Tumayo siya at ngumiti dahil nagsipalakpakan na rin ang mga naroon.

"The products that we will be releasing is for summer outfits because summer season is coming and the runway will happened after 4 months" it's Ari, member of Marketing team.

"And as of now, we are still choosing between Vent or Glam organizer for the upcoming event" dugtong nito.

The meeting continue at laking pasasalamat niya dahil sa lahat ng takaw tingin na ginagawa niya hindi siya nahuhuli ng binata.

"Is there any objections or idea from you everyone?" Tanong niya nang matapos ang presentation at wala namang sumagot.

"How about you Mr. Aleksandrov? Any ideas?" Tanong niya at agad iniwas ang mga mata ng tinignan siya nito pabalik.

 MINE SERIES 2: UNFORGETTABLE NIGHT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon