CHAPTER 39

3.2K 69 7
                                    

Today is their photoshoot day. It will be on the beach. Sasabay nalang siya kay Leona mamaya dahil tinatamad siya magdrive. 3 days left ay babalik na siya ng Italy at laking pasasalamat niya dahil timing namang ngayon ang photoshoot dahil wala naman siyang gagawin. Hinihintay nlang nila ma finalize ang products, models, events, at ipublished ang magazines at puwede na silang mag-umpisang irelease ang product.

Buong byahe siyang tulog kaya nahihiya na siya kay Leona dahil ginawa na niya itong driver.

Masimoy na hangin ang sumalubong sa kanila. The venue is more like a private beach resort dahil parang sila lang ang naroon. Nakita niyang naroroon na rin ang ibang mga modelo at ang mga photographer ay hinahanda na ang gagamitin.

Hinatid muna siya ng isang staff sa kuwartong tutuluyan niya para makapagpahinga at maghanda para mamaya. It's a 3 day photoshoot pero ang sabi ay maari siyang unang makauwi mamaya dahil 2-3 bikinis lang naman ang imomodel niya.

Mag-aalas siyete ng umaga ay tinipon sila para magbreakfast. Maliit lang ang kinain niya dahil baka bloated ang kalalabasan ng shoot niya.

She was informed that after 8 models ay siya na. She will be shooting in the yacht kaya parang naeexcite siya.

The staff gave her the bikinis she will be using kaya pumasok nalang rin siya sa kuwarto niya para makapaghanda. She will be wearing a maroon assymetrical top, tube with lacy strings na floral and then one piece, backless white bikini.

Pagpasok niya sa loob ng kuwarto ay may nakita siyang duffel bag sa ibabaw ng kama. Nagtataka siya dahil hindi naman sa kanya iyon.

Papasok na sana siya sa CR ng iniluwa noon si Vlad.

"Hindi ka talaga magpapaawat jan ano" suplado nitong saad at hinila ang pulsuhan niya paupo sa kama. He's standing in front of her, arms on both side like a mad boyfriend.

"Bakit ka nandito?" Kunot noong tanong niya. Bigla-bigla kasing sumusulpot.

"Dahil resort ko to?" Sagot naman ng binata kaya inirapan niya lng.

"Tell them that you're declining the photoshoot" he commanded.

"Asa ka" she rolled her eyes at mahigpit na hinawakan ang paperbags na may laman ng mga bikini.

"Please Iana, hindi ko kayang makita nakadisplay yang katawan mo sa magazine" pagsusumamo nito.

"At bakit kita susundin?" Paghahamon niya.

"Dahil sinabi ko"

"Hanggang kailan mo ba kokontrolin ang desisyon ko ha!?" Naiinis na tanong niya.

"Habangbuhay dahil habangbuhay tayong magsasama" Hindi niya alam kung trip ba nitong bumanat.

"No way" tumayo siya at tumakbo papuntang banyo. Nobody can stop her lalo na't first time niyang imodel dito sa Pilipinas ang mga mismong desinyo niya.

Nang makapasok sa CR ay nagpalit agad siya. Una niyang susuotin ang asymmetrical na kulay maroon. Inaayos niya ang kanyang buhok ng maramdamang may magaspang sa kanyang kaliwang mata. She blinked many times but it was still there.

Binuksan niya ang gripo baka matanggal sa hilamos ngunit hindi parin. Nagstandby lng muna siya roon at pilit inaalis.

"What took you so long?" Vlad asked her. Hindi niya nakikita ang binata dahil sa ibang direksyon niya binabaling ang tingin.

"Napuwing ata ako" kalmang saad niya at naramdaman naman niya ang presensya ng binata.

Vlad hold her face and tried to open her left eyes.

 MINE SERIES 2: UNFORGETTABLE NIGHT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon