Masakit ang katawan niya pagkagising. Nahihirapan man siyang galawin ang kaliwang balikat pinipilit niya paring maligo at magbihis para pumasok sa trabaho. She have no choice dahil labas naman ang trabaho niya sa nangyari kagabi.
Sa tuwing iniisip niya ang nangyari kagabi pati puso niya sumasakit na rin. From Vlad kissing Aileka to the accident makes her head throbbing.
Nag taxi lang siya papuntang trabaho kahit nasa kanya naman ang sasakyan niya hindi niya kayang magdrive. She's worried for Glyr, baka natrauma ito but the way she smiled and act that everything is alright last night ay nanatili siyang positibo. She wanted to say sorry pero parang malabo dahil alam niyang hindi na papayagan nang ama na mapalapit ito sa kanya.
Nasa lobby palang siya ay sinalubong siya nang isang HR staff na dumeretso sa Conference Room dahil magprepresent ang Marketing Team para sa final designs at pag-uusapan ang Runway, 2 weeks nalang gaganapin na ang event.
Pagpasok niya sa loob ay prenteng nakaupo si Vlad sa kabisera nang mahabang mesa. Hindi siya nito nakita dahil sa likod nalang siya umupo kasama ang ibang staff.
"Sir, we need Glyr on Wednesday for the shoot"
"Saan ba gaganapin ang shoot?" Seryosong boses ni Vlad ang umagaw sa atensyon niya.
"Sa rooftop sir"
"My house at The Royals Village have Rooftoop, you can shoot there" saad nang binata. Inisip niya naman na talagang iniiwas nga ni Vlad na magcross ang landas nila ni Glyr.
"Ok po sir"
Naging maganda naman ang meeting, lahat ay nafinalize at klaro na. Ready na sila, kunting ensayo nang mga models at design nang venue ay good to go na sila. Ang mga introduction and presentation of products nalang ang gagawin niya at kailangan niya atang pagpuyatan iyon dahil medyo marami.
Nauna na siyang lumabas at umupo sa loob nang opisina. Nagscroll muna siya sa cellphone para magpareserve sa restaurant para sa lunch mamaya. Siguro nga dapat sanayin na niya ang sariling kumain mag-isa.
Nang pumasok ang boss at nakaupo sa desk ay nilapitan niya ito. She handed him her atm.
"I'm sorry last night and bayad ko sa nasira mong sasakyan" pormal niyang sabi.
Vlad didn't throw a glance at her instead he stood up.
"Hindi ko kailangan yan, may pampaayos ako. I already hired someone who could look after for Glyr, just send me your address ipapahatid ko nalang ang gamit at sasakyan mo" his cold and sharp voice sliced her mood.
Ganon na ba siya kadaling palitan, Alam niya na hindi ito masisisi kung ano man ang ugaliing pinapakita sa kanya pero parang sumusobra naman. He didn't even listen to her explanation. Hindi na siya nakasagot dahil naiwan siyang nakatulala habang ang boss ay nakalabas na.
Lunch came at napagdesisyonan niyang kumain nang lunch. She chose the Lamiera Restaurant dahil medyo malapit lang ito sa building nang A.Glyr Apparel. Tahimik siyang kumakain nang makita niyang papasok si Vlad na nakayapos si Aileka at nakayukong Glyr ang sumusunod sa kanila.
Nagtama ang kanilang mata nang lalake ngunit umiwas siya. She look at Glyr na hindi parin siya nakikita. Gusto niya sana itong lapitan kaso ang tingin nang binata ang pumipigil sa kanya. Tinapos niya na ang pagkain at mabilis na nilisan ang restaurant.
Natapos ang araw niya na walang ginawa kundi iniisip si Glyr. After the lunch bumalik naman si Vlad at umalis nang alas tres at hindi na rin bumalik pa. At gaya nang sabi ni Vlad, pagdating niya sa lobby nang condong kanyang tinitirahan ay nakita niya ang mga maletang pag-aari niya. Hinatid nga siguro ni Mang Isco ang kanyang mga gamit. Binigay naman sa kanya nang staff ang pinaiwang susi.
BINABASA MO ANG
MINE SERIES 2: UNFORGETTABLE NIGHT (COMPLETED)
Roman d'amourRated SPG⚠️ "I was there when you need me but why I am forgotten when she came back?" "I thought you love me because you need me" PS: The photo I used and will be using is not mine. Credits to the owner 06-12-21 O8-12-21