Chapter 52
Catherine's POV
--bayan--
"oy Cath ang init init naman dito"
"magtigil ka nga Neil, sasama sama ka dito sa palengke tapos aangal angal ka dyan, para kang tanga"
"eh kasi naman, ano bang malay ko na dito pala tayo sa palengke pupunta? akala ko kasi sa mall dito sa bayan eh"
"sa tingin mo ba, magmo-mall pa ako eh ang dami dami ko ng damit dun sa rest house? so kaya tayo pumunta dito para mamili ng mga foods na kakainin natin mamaya" tapos nginitian ko lang sya
pumunta kami sa tindahan ng mga fish
oh how I wish kamag anak to ng mga fishes namin sa school
(A//N: yung apat na MAS WEIRD po yung tinutukoy ni Cath)
"ale, can I buy one kilo of it?" pagtatanong ko kay ate habang humahanap ng mas malaking isda
sabi kasi sakin ni lola na kapag namimili daw ako ng isda, piliin ko daw yung malaki
"huh ano po sabi nyo ma'am?"
"ah, sabi ko pwede ho ba akong bumili ng isang kilo nyan?"
"ah oo naman po ma'am, saan po ba dito?"
tinuro ko yung mas malaki sa tingin ko "ah eto po ate"
"magkano po ba?"
"P500 lang naman po ma'am"
'ang mahal naman nito' yan yung sinabi ko sa isip ko
tinignan ko yung wallet ko but....
oh no! P100 na lang yung laman
naiwan ko nga pala sa bag yung wallet ko, oh shet!
lumapit ako kay Neil at kinapitan ko sya
"Neil may 500 ka ba dyan? naiwan ko kasi sa bag yung pera ko eh" tapos nginitian ko lang sya na naghihintay kung ano yung sasabihin nya
"pasalamat ka mahal kita" bulong nya habang kumukuha ng pera sa bag nya
ano daw sabi nya?
"huh? anong sabi mo?"
"wala sabi ko dalian mo na, anong oras na" tapos inabot nya sakin yung P1000
"ah okay" tapos umalis na ako at binayaran yung fishes kay ate
"keep the change na lang po ate"
"ay salamat po ma'am, balik po kayo ha?"
"I'll try po"
tapos lumapit na ako kay Neil at inabot sa kanya yung isda
"anong gagawin ko dito?"
"dalhin mo, tutal wala ka namang naitulong eh" tapos inirapan ko sya at nagsimulang maglakad na
"ay ganon? so mabait ka lang kapag may kailangan ka sakin?"
tinignan ko sya sa muka ng seryoso at saka sumagot
"pwede rin kung gusto mo" tapos ngumisi lang ako
"hay ewan ko sayo Cath tara na nga, baka nagugutom na yung mga yun eh"