Chapter 94
Sofia's POV (August 25, 2014)
Bukas na pala, bukas na pala yung birthday ni Rylee. Sa susunod na linggo na ako aalis
Yung mga nasabi ko kay Rylee nung Sabado, di ko talaga sinasadya yun. Di ko naman talaga balak sabihin sa kanila kasi baka magalit sila pero ayan na, nalaman na nila.
Kukuha din ako ng break sa school, one month lang naman yun eh. Ipapadala na lang sakin yung mga lesson.
Bakit ako aalis? May family reunion kasi sa Baguio. One month lang naman kaya yun kaya hindi ko na isasama yung tatlo. Sabi ni mom dadating din daw sila dun after a week kapag nakarating na ako dun.
Bukas birthday na ni Rylee kaya naman pinabili ko na lang si...
At sino pa ba ang nagiisang taong pwede kong utusan? Si Elise!
Walang pasok samin ngayon dahil pahinga naman daw. Isang linggo lang naman yun eh kaya nandito lang ako sa kwarto ko at nagmumukmok.
Hindi ko rin sila kinakausap dahil wala ako sa mood. Saka nasaktan din kaya ako sa sinabi ni insan. Alam ko namang 'kalandian' yung sasabihin nya eh kaya nga nasampal ko sya pero hindi ko naman sinasadya yun eh.
Kaya ngayon nandito lang ako sa loob ng kwarto ko. Minsan magpapadala lang ako ng pagkain o kaya naman bababa pero hindi ko sila papansinin.
At nandito rin yung mga lalake. Dito sila nakatira pansamantala lang naman hanggang matapos yung pahinga namin.
At dahil nagugutom ako at kailangan kong magmall dahil panigurado walang cake sa baba. Lagi na lang akong kumakian ng cake, minsan chocolate, minsan strawberry. Para na nga akong buntis na naglilihi eh.
Bumaba na ako at nakita ko silang naglalaro ng baraha. Tinignan lang ako nung tatlo tapos ngumiti pati rin si Neil at Kyle. Si Marc naman hindi man lang lumingon at si Rylee naman nakatingin lang tapos sabay irap.
Nakakamiss naman to. Aalis na nga ako tapos ganito pa yung iiwan ko. Haysh! Buhay nga naman oh! Hayaan na nga may isang linggo pa naman ako para makasama sila eh.
Lumabas na ako ng bahay at nakita ko namang kararating lang ni Louie kaya naman sumakay agad ako sa kotse at sinimulan naman na nyang magdrive.
Hay nako. Minsanan na lang akong makangiti. Minsan pilit pa. Tapos madalas iiyak ako sa gabi tapos biglang ngingit kapag naalala ko yung mga nangyari sa Circle. Weird no?
"Ma'am Sofia may problema po ba?"
"Ah wala naman. Naapakan ko lang yung paa ko."
Siguro na weirduhan na sya sakin kaya naman nanahimik lang sya hanggang makarating kami sa mall.