Chapter 105
Sofia's POV (September 27, 2014)
Ilang araw na simula nung sabihin nya yun. Sa lahat ba naman ng tao na pwedeng magsabi nun sakin sya pa?
Next day after that ay nagulat ako dahil pag-gising ko sa umaga, nakaupo si Niko sa sofa namin. Niko talaga as in. Pero hindi ko naramdaman ang heartbeat ko na bumibilis ng takbo. Ewan ko kung bakit.
Nung niyakap nya nga ako eh, naiyak ako eh. Tapos may isang sentence na naisip ko sa mga oras na yun.
'Please Niko, wag mo akong hayaang mafall ulit... sa iba.' yan ang binulong ko sa saril ko habang pinupunasan ko ang mga luha ko. Natatakot ako. Natatakot akong mafall. Natatakot akong masaktan. Natatakot akong iwan. At natatakot akong magmukang tanga.
Nasa airport na ako. Kailangan ko ng umuwi dahil ang field trip namin ay sa October 5 na. One week kami sa Korea. Karaniwang field trip ay December diba? Iba samin since magiging busy na din kami sa December. Kaya nga pinauwi na ako ni dad para maayos ko ang mga destination namin sa fieldtrip.
Surprise to. Hindi nila alam lahat na uuwi na ako. Ang alam nila, next week pa. Plano kong sorpresahin silang lahat, well except him. Ayoko syang makita. Ayokong mag-grow pa to. Ayoko.
***
Pagkauwi ko sa bahay as expected nasa kani-kanilabg buhay ang mga tao dun.
Si Lexie at Rylee ay naghahabulan at talagang nilampasan pa ako ha. Hind ba nila nakita na may tao ako dito? Love nga naman, kaya ayoko nyan eh.
Si Cath naman ay nagbabasa habang nanonood ng T.V weird diba? Haaay.
At si Bianca naman ay may ka-skype sa laptop nya. YAM pa nga tawag nya eh. And who's that YAM naman?
"Hi guys!"
Unti-unti silang humarap sakin. Gulat na gulat sila. See? Miss ako ng mga kaibigan ko no? *wink* iba na talaga charms ko.
"S-Sofia?" Cath
"Cousin-in-Law?" Lexie
"P-pano?" Bianca
"I-insan?" Rylee
Ngnitian ko lang sila saka ako tumabi kay Cath na hanggang ngayon ay nakatingin parin sakin na para ba syang nakakita ng dyosa. Oh well, dyosa nga naman.
"Kelan ka pa dumating?" Lexie
"Siguro kahapon no Lex? Kasi sa tingin ko kahapon pa ako nandito."
"Bakit ang aga? Akala ko next week pa?" Bianca
"Baka dahil hindi late kaya maaga. Saka akala ko rin next week pero dahil baka mya field trip ay pinauwi na ako ni dad ng maaga. Okay na?"
"Haaay back to normal." Cath
The Next Day... (September 28, 2014)
Linggo ngayon. And mayrong meeting ang lahat ng student council officers. Kinakabahan ako, nandon kasi sya. Remember sya ang V-president? Kaya nandito ako ngayon sa tapat ng gate ng school na ako mismo ang may ari.
"Ma'am Sofia?"
Tinignan ko si manong guard na nakatingin pala sakin kanina pa.
"Manong, nandyan na po ba lahat ng officers ng student council?"
"Ay si sir Marc wala pa po. Baka hindi rin po yun makarating kasi may sakit daw kahapon eh."
Wooh, buti naman! Akala ko kasi makikita ko na agad sya eh. Haay hindi ko pa kaya.
Nagmadali akong pumasok sa room na pagmimi-meetingan namin. Wala nga sya.
"Hello" Tapos naupo na ako sa upuan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/34690031-288-k433901.jpg)