Chapter 84

11 0 0
                                    

Chapter 84

Sofia's POV

"waaaaaaaaaaaa sino yan?!" sabi ko tapos pumunta sa dulo ng kwarto

nilock ko yung pinto at ngayon ang dilim dilim at wala akong makita malaiban sa pigura ng taong nakatalikod sakin

tumayo sya at pumunta sa pintuan at pinilit na buksan pero ayaw

"bakit mo nilock?"

yung boses nya yan...

parang narinig ko na yan....

parang....

"ang sabi ko, bakit mo nilock!" nakasigaw na sya

"oo nilock ko nga! pero mabubuksan naman yan eh! baka may ibang naglock"

"Sofia ang tanga mo naman!"

"wow Marc ha, thank you. kasi imbis na binubuksan ko yan, nagiingay ako dito eh"

"aish! bwisit! bakit ba kasi andito ka ha?"

"kasi wala ako dun?"

"arrrrrr!"

naupo na lang sya at ako naman napapikit ang mata

hintayin na lang kaya namin ang umaga?

pero hindi pwede baka hanapin ako nila Lexie eh

marami na rin naman akong nabasa sa wattpad na ganito eh, yung makukulong sa isang kwarto tapos....

"waaaaaaaaaaaaa! hindi pwede! kailangan ko ng lumabas dito waaaaaaaa!"

minsan kasi sa mga stories, kapag nakulong ka sa isang room, may mangyayari eh

katulad ng pagkawala mo ng.... FIRST KISS MO! waaaaaaaaaaaa

"bakit ba ang ingay ingay mo ha?!"

"Marc lumabas na tayo dito!"

"eh di lumabas ka! bakit ginusto ko ba to ha?"

"pero kasi.... ano eh"

"alam mo, abnoy ka na"

naiinis ako! naiinis ako!

tumayo agad ako saka humarap sa pinto

tinitigan ko yung pinto ng masama saka binuhos lahat ng galit ko

LoveteamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon