Chapter 85
Sofia's POV (August 16, 2014)
nasa bahay lang ako at talagang pinanindigan ang pagkasakit ng ulo ko
nakaupo ako sa sofa habang nanonood ng TV nung biglang may mag doorbell
"yaya may tao sa labas!"
"buksan ko na po ma'am" tapos tumakbo palabas
si yaya talaga masyadong excited eh, wala naman akong sinabing pagbuksan nya, ang sabi ko lang naman may tao sa labas
bumalik si yaya na parang pagod na oagod
"ma'am nasa labas po yung lalakeng kaibigan nyo"
"sino naman?"
"yung kulay brown po ang buhok"
brown ang buhok? si Rylee lang naman ang brown na buhok samin ah? ay pati pala si Marc, pero yun? imposible naman
"yaya may dalawa po akong kaibigan na brown ang buhok. si Rylee po ba?"
"si ma'am naman eh! malamang hindi si sir Rylee!"
"eh di sino?" nagta
taka kong tanong?
"kaya ko nga po tinatanong sa inyo ma'am eh, kasi po di ko alam"
napaka pilosopo naman nitong babaeng to. kanino kaya to nahawa ng kapilosopohan?
"last na yaya, babae pa o lalake?"
kinakabahan ako sa magiging sagot ni yaya
"lalake po"
waaaaaaaaa lalake? lalake tapos brown ang buhok na kaibigan ko daw?
"pakitanong nga kung anong pangalan?"
tapos lumabas ulit si yaya
pagkakataon ko na to para tumakas, paakyat na sana ako ng hagdan ng.....
"saan ka pupunta?"
"patay" bulong ko
napaharap ako sa kanya at hindi nga ako nagkamali. anong ginagawa ng monggoloyd na to dito?
"oh bakit?"
dumiretso ulit ako sa sofa saka umupo, humarap naman sya sakin habang naka pamewang
