Chapter 45
Sofia's POV (July 31, 2014)
"aalis tayo sa August 2, pupunta tayo ng tagaytay, dun sa rest house namin for 5 days"
"ah okay" Lexie
"sama mo si Rylee Lexie ha?"
napalingon naman sya sakin with matching taas kilay pa
"ayoko nga" tapos irap nya
"okay lang, ako na lang ang magsasama sa kanya"?
"ako Sofia, sama ko si Kyle ha?" Bianca
"ge go lang, sama mo na yang happiness mo!" Cath
"akala mo naman sya di kasama yung happiness nya"
para kasing di kasama ni Cath si Neil eh
that what you called true friend!
why? pag binully mo kasi ang bestfriend mo true friend ka hehe
"okay fine! isasama ko na rin si Neil!"
"eh ikaw Sofia sino isasama mo?"
napalingon naman ako kay Lexie
sino nga ba isasama ko? eh lahat sila may kasama ako lang wala
"ako? wala"
"eh bakit wala?" Bianca
"eh sa wala eh"
"sama mo na lang si Niko" Cath
"wag na, baka makaistorbo pa ako sa kanila ni Ariana eh"
"alam mo, masyado kang mabait para hayaan mo yung friend mo na makasama ang girlfriend nya araw-araw kahit wala na syang time para sayo no? kahit isang beses naman mag paka mistress ka muna" Lexie
"loka" sabay batok ko sa kanya "anong akala mo sakin si Nicole ng The Leagl Wife? alam ko namang may Nicole ako sa pangalan pero di naman ako yun eh"
"hindi ka si Nicole no! kasi Nicole bestfriend nya yung tunay na asawa, eh bakit ikaw bestfriend mo ba si Ariana? di naman diba so ikaw na lang si Janine ng Two Wives" Bianca
"oo nga no? kaso masyadong masama si Janine eh"
"hay bahala na nga kung sino ka basta isama mo na lang si Niko" Lexie
"eh wag na nga"
"bakit di na lang si Marc ang isama mo?"
napalingon naman ako sa sinabi ni Cath
nakatingin parin sya sa libro nya
"si Marc? bakit naman yun ang isasama ko?"
"apat tayong magkakaibigan diba? tapos yung mga isasama naming tatlo ay magkakaibigan din, so bakit di mo na isama yung isa para naman by partners" Cath
"wag na wag mong sasabihin yan! di ko matatanggap yan!" tapos tumayo ako at tinuro ang sarili ko "di ko matatanggap ang sinabi mo!" at kunyari umiiyak
"ang ano? na by partners?" nagtatakang tanong nya
"na..... na......na magkakaibigan tayong apat!"
tinignan naman nila ako ng masama
tapos tumayo sila at naglakad na para iwan ko
ang layo na nila sakin ng sumigaw ako
"KASI DI LANG TAYO FRIENDS MAG BEST FRIENDS KAYA TAYO!!!!!"
tapos tumalikod na ako at pupunta na sa room ng may yumakap sakin
"Sabi ko nga di tayo friends kasi best friend tayo" Lexie
"group hug!" Bianca
tapos nag group hug kami