Chapter 96
Sofia's POV (September 3, 2014)
Hay! Nakakamiss naman yung tatlo! Miss ko an yung Manila! Huhuhuh kelan kaya ako makakabalik dun? Sa Linggo pa dadating si mom and dad eh! Wala pa rin naman yung iba kong pinsan! Marami na rin akong nakilalang pinsan ko, actually kilala ko na rin si Sunshine. Sya yung kapatid ni SKy, o diba astig SKy and Sunshine? Parang yung anak lang ni Maya and Ser Chief ng Becareful with my Heart? Naks!
Yung iba kasama yung mga girlfriend/boyfriend nila tapos ito ako BOKYA! Ako na lang ata ang single dito eh! Si Sky naman mukang kanina pa problemado na nakaupo dun sa gild kaya naman nilapitan ko na sya.
"Alam mo Sky, muka ka ng tanga. Ngayon mo lang ba napansin na para kang baliw na ginugulo ang buhok mo at bigla biglang tatayo at biglang uupo tapos hihilain mo yung mga grass."
"Sofia?"
"Ba't parang gulat na gulat ka pa ha? Ngayon mo lang ba ako nakita? Actuall, bago tayo makaalis sa Manila kasama mo na ako."
"Anong ginagawa mo dyan?" Ay nako! Hindi ba obvious na naka tayo lang ako?
"Ikaw! Anong ginagawa mo dyan?" Tapos naupo na ako sa tabi nya. Muka nga syang may problema tapos pansin ko rin na simula nung makarating kami dito, check na sya ng check sa cellphone nya tapos ayun.
"Aish! Yung Marie na yun kasi eh! Nakakabwisisit sya!"
"Girlfriend mo yun tapos sinsabihan mo ng ganon?"
"Hindi ko na sya Girlfriend!" Teka teka! Makasigaw naman to! Bakit kasalanan ko ba ha?
"Ano ba kasing problema mo ha? Anong nangyari bakit hiwalay na kayo? Mahal mo naman diba?"
"Oo nga eh! Peste manloloko sya! Hindi nya ako mahal! Ang mahal nya eh yung bestfriend ko pa! Takte talaga!"
Ghad! Problemado nga talaga! 3 years nyang niligawan si Marie tapos ayun sinagot daw sya last year lang. Grabe hindi naman pala sya mahal nun? Kapag nakita ko yun, kakalbuhin ko talaga yun.
"Eh pano ka nya sinagot? I mean alam kong pwede ka nyang lokohin but why? May nagawa ka ba sa kanya?"
"Ako may nagawa sa kanya? Kalokohan! Lahat binigay ko sa kanya! Nagawa ko pa ngang suwayin yung gusto ni mom eh! Tapos lolokin nya pa ako? Okay sana eh! Kaso bakit bestfriend o pa? Bakit? Shit!"
"Eh pabayaan mo na sya! Ang mga taong walang pakialam sayo dapat wag mo na rin pakialaman. Just don't mind her business and build your own."
"Hindi yun ganon kadali." Tapos nginitian nya ako. Yung ngiti na pilit. "Minahala ko kasi sya eh. Minahal ko sya ng higit pa sa buhay ko. Minahal ko sya na umabot pa sa puntong kaya kong pumatay para lang sa kanya. Ganon ko sya minahal."
