Chapter 50
Sofia's POV
ang saya saya ko pano ba naman ang ganda ng usapan namin ni Ariana kagabi eh
nagbibihis ako ngayon sa CR at rinig na rinig ko ang usapan nila Bianca at Lexie sa labas
"huy Lexie bilisan mo namang magbihis dyan anong oras na!" Bianca
"naka bili ka ng kotse! nakabili ka ng mamahaling sapatos at mga gamit mo! pero di ka man lang nakabili ng wrist watch para alam mo yung oras!" Lexie
"wala akong time para makipag lokohan sayo ngayon ha" Bianca
hay hayaan na nga yang mga baliw na yan
nag bihis na ako ng short na above the knee and t-shirt na may nakalagay na 'PRETTY AS ALWAYS'
paglabas ko ng CR wala na yung dalawa at nasa sofa silang lahat kasama sina Ariana at Niko
pero teka parang may kulang eh....
"sila Catherine ba? pumunta sila ni Neil ng bayan mamimili lang daw ng mga pagkain" Kyle
wow, di pa nga ako nagtatanong, sasagot na sya
"Kyle mind reader ka ba? infairness pwede mo yan pagkakitaan"
"haha hindi, halata naman kasi sa muka mo na may hinahanap ka eh" Kyle
"pag may hinahanap sila Cath agad? pwede namang si Bianca"
"kung hahanapin mo si Bianca, imposibleng mahanap mo pa sya" Kyle
"at bakit naman ha?"
"kasi nasa puso ko na sya" Kyle
woah, so nainlove na rin talaga sya kay Bianca?
tumingin naman ako kay Bianca na namumula na
"hoy kayo ngang dalawa umamin nga kayo! kayo na ba?" Lexie
mas lalo namang namula ang muka ni Bianca habang si Kyle naman ay nakangisi lang
"malapit na" confidence na sagot ni Kyle
"so nililigawan mo ba si Bianca ha?" Rylee
"oo" Kyle
"eh diba Bianca may gusto ka rin kay Kyle eh bakit di mo pa sagutin?" Marc
"grabe ka naman Marc, gusto ko rin naman maranasan yung ligawan effect" Bianca
![](https://img.wattpad.com/cover/34690031-288-k433901.jpg)