Chapter 76
Sofia's POV
nakakainit ng ulo tong mga baklang to, actually magaling naman sila eh, kaso lang, madaldal
"alam mo Ms.Scott--"
"di ko pa alam"
"oo nga no? kaya eto sasabihin ko sayo na--"
"wala akong pake"
kanina ko pa to tinatarayan at patuloy parin sya
di ba sya makaintindi na 'ayoko sa kanya'
simple lang yan, di nya pa ba magets?
muka namang nagets nya na na ayaw ko sa kanya kaya nanahimik na lang sya
nung matapos yung pag make-up samin
umalis na agad yung mga bakla
dumating naman yung fashion designer ni mom para tulungan kami sa susuotin namin
naka dress ako na above the knee na kulay white tapos, tapos na
si Lexie naman naka white din na tube dress pero below the knee
si Cath naman walang suot, pero joke lang yun, naka white rin sya na sleeveless na hanggang tuhod
at syempre the birthday girl, naka pink dress. I can't explain kung ano ang itsura nya but, she's very beautiful
nung makarating kami sa bahay nila Bianca, ang dami daming tao. wala namang mga business mans kasi kahit parents ni Bianca wala eh
okay lang naman daw kay Bianca kasi naiintindihan nya naman daw na masyadong busy yung parents nya
puro classmates lang namin ang mga nandito, mga high school friends and even elementary friends na hindi na namin naalala
si Bianca naman nagimbita sa kanila eh so sya na bahala sa mga elementary friends daw kuno namin
"nasaan na sila Neil?"
"on the way na daw sila kasama pa yung tatlo" Cath
"eh si Niko daw?"
"Niko? malamang sabay nyang pumunta si Ariana dito" Cath
bigla namang napawi ang ngiti ko, bakit kasama yung babaeng yun?
"oh, what's with that face?" Bianca
"what's with that face? I have my eyes, I have my nose, I also have my ears and of course I have my mouth"
"wahaha, nakakatawa sya oh" Lexie
"bakit totoo naman eh. sino ba namang tao ang walang ganon sa muka? common sense"
"wow ha, sayo pa talaga nanggaling ang salitang COMMON SENSE" Cath
"pinagtutulungan nyo ba ako?"
"oo" simpleng sagot ni Bianca
grabe naman sila. pinagtataksilan na ako ng mga kaibigan ko. di ko matanggap huhuhu
"oh insan anong problema mo?"
sabi sakin ng napaka galing kong pinsan na baliw
"wala naman"
hanggang ngayon kasi iniisip ko parin na aalis na si mom bukas. nung isang araw lang, kararating nya palang pero bukas, aalis na agad sya
"eh bakit ganyan yang itsura mo ha?"
"kasi hindi ganon?"
"hay nako, kahit anong kaseryosohan ang itanong syao, wala parin, ikaw parin pala si Sofia ang dakilang pilosopa"
"pilosopa? may ganon ba?"
"oo, pag babae pilosopa, pag lalake pilosopo, pag bakla pilosopi?"
"hay nako Rylee! kalokohan mo!"
tumayo na ako kasi magsisimula na yung party eh
"good evening ladies and gentleman, you're here to celebrate with us the 19th birthday of Bianca Shane Miller"
tapos nagpalakpakan sila, I hate parties but I really hate when they are clapping like this
namatay ang ilaw, brown out?
"Let's welcome the gorgeous Bianca Shane Miller"
tapos unti unting nagsibukasan yung mga ilaw and lumabas si Bianca
"hello everyone, first of all, thank you for coming in my 19th birthday and then I just want to thanks all staffs who prepared this night, thank you"
tapos kumaway kaway sya na parang artista
nag speech pa sya ng kung ano-ano saka bumaba kasama namin
"huy kanina ko pa kayo hinahanap" Bianca
"happy birthday Bianca" Kyle
nakita ko naman ang loka na ngiting ngiti
masaya ang birthday nya, masaya rin sya, eh ako masaya ba sa pagalis ni mom AGAIN