Chapter 93
Cath's POV (August 23, 2014)
Nandito kami ngayon ni Neil sa cafeteria. Yung iba naman nasa auditorium at nakikinig sa announcement ng dad ni Sofia.
"Neil tapatin mo nga ako, kelan ba matatapos ang fake relationship na to? Mag iisang bwan na simula nung nagpanggap tayo ha?" Pansin ko kasing malapit na mag August 27 eh.
"Ahh..eh.. may regalo ka na bang nabili para sa birthday ni Rylee sa Tuesday?" Ay oo nga pala no! Birthday na pala ni Rylee sa Tuesday.
"Uhm, magpapasama na lang ako sa tatlo bukas, narinig ko kasi sila na magmall eh." Pero bakit kaya hindi nya sinagot yung tanong ko? Hmm hayaan na nga.
"Hi Neil!" Napalingon ako sa likod ko at nakita ko ang isang babaeng napaka ganda. Medyo curl yung buhok nya tapos may bangs sya.
Nung tinignan ko si Neil para syang uod na sinabuyan ng asin. "Okay ka lang Neil?" Tanong ko. Muka na kasi talaga syang uod.
"Ah? O-oo t-tara na b-babe." Tapos tumayo na sya at hinila na ako patayo. Naglakad na kami nung magsalita ang babae.
"Babe? Wow Neil, Isa nanaman ba sya sa mga babaeng paiikutin mo?" Sabi nya. Nagulat ako sa sinabi nya kaya naman hinarap ko sya at tinaasan ng kilay.
"Oo. Babe. Oh ano naman?" Tapos lumapit pa ako sa kanya.
"Cath tara na, hayaan mo na sya." Tapos lumapit sya samin. "At ikaw Karen umalis ka na."
Karen? So sya yung obssesed na EX-GIRLFRIEND ni Neil? Para akong nakaramdam ng inis, bakit kaya? "So you're Karen? The Mighty Obssesed Ex-Girlfriend. So now anong kailangan mo sa amin?"
"You know me?" Di makapaniwalng tanong nya.
"Yes. I know you, hindi ba halata?" Nagulat ako nang bigla nyang hilain yung buhok ko. Hindi ako makagalaw. Tulala lang ako at nung marealize ko kung ano yung ginagawa nya pinilit ko agad tanggalin ang kamay nya dun.
"Tama na! Ano ba!" Pilit ko paring hinihila ang kamay nya palayo sa buhok ko. Bakit hindi ako lumalaban? Dahil hindi ako marunong nun. Hindi ako marunong manabunot, kahit manapak at higit sa lahat puro pagpigil lang ang kaya ko.
Tinulungan narin ako ni Neil at pilit nya ring tinatanggal yung sabunot ng babae pero ayaw talaga. Ang lakas naman nitong babaeng to, Amazona.
Nung naisipan nya ring tanggalin ang kamay nya ay inayos ko lang ang buhok ko saka tumalikod na.
"Oh ano, aalis ka na? Bakit hindi mo ako harapin ha?" Ang kulit talaga nito! Onting-onti na lang talaga!
Humarap naman ako sa kanya at pumamewang. "Kanina pa kita hinahrap diba? Tapos pag nakaharap na ako, wala ka namang importanteng sasabihin eh. So anong problema mo? Baka matulungan ka ni PNOY dyan."
