Chapter 97
Lexie's POV (September 6, 2015)
Si Cath at Neil nasa Antipolo. Ewan ko nga kung bakit sila nandon eh basta ang alam ko, gusto daw makilala nung mom ni Neil si Cath.
Tapos si Bianca at Kyle naman medyo weird kasi minsan magkasama sila tapos minsan hindi tapos minsan ewan tapos minsan hindi ko alam.
At kami naman ni HuggyBoo wala ng ginawa kundi mag date. Minsan dito lang kaming dalawa sa bahay. Tapos minsan rin nandito si Marc at Niko tapos syempre kasama ni Niko si Ariana. Minsan rin nandito si Nathan (yung kapatid ni Niko at Marc) at Shakira (yung kapatid ni Ariana).
Feeling ko nga may something sa dalawang yun eh. Kay babata pa may nalalaman na.
At ngayon nandito nanaman sila sa bahay. Syempre pati si Bianca at Kyle. Para silang tanga ngayon. Alam nyo kung bakit? Para na silang candy, sweet eh. Pinaalam na rin nila na sila na pero may aayusin pa daw silang mga bagay bagay sa munting Earth.
"Oh kamusta na guys? Long time no see!" Medyo weird din sa Marc kasi parang laging malungkot tapos ngingiti tapos biglang walk-out tapos ayun!
"Long time no see mo muka mo! G*go ka ba?! Eh halos araw-araw ka na ngang nandito eh!" Rylee.
"Sus! Ayaw mo yun, may makakasaksi sa kababalaghan nyo ni Lexie! Mamaya nag aano na kayo dyan ha!" Aish! Parang namumula ako dun! Yung term kasi na 'nag aano' eh parang alam nyo na hehe.
"M-marc! A-ang ano mo! B-bastos ka!" Tapos umiwas na lang ako ng tingin. Kasi naman eh! ANg bastos nya huhuhu!
"Sus! Kayo talaga oh! Share naman dyan oh! Oh ano, may nangyari na ba sa inyo? Masara-"
*boogsh*
Sinapak ko lang naman si Marc kaya sa muka kaya bumagsak sya sa sahig habang hawak yung dumudugo nyang labi.
Hindi ko ba nasabi sa inyo na kamaganak namin si Pacquiao? Long lost brother sya ni dad. Pero joke lang yun.
"Lexie naman eh! Nagbibiro lang ako! Pero bakit umabot pa sa point na halos pumutok na yung labi ko ha?! Nako kung hindi ka lang baba-"
"ANONG SABI MO HA?! KUNG HINDI BABAE ANG GIRLFRIEND KO, PAPATULAN MO HA?!" Hala ka, si Rylee nagiging monster na!
"Ha...he...hindi no! Ang ibig kong sabihin, kung hindi lang babae si Lexie mapagkakamalan ko na syang boksingero! Yun yun!"
Weh? Di nga? Ayaw mo lang makatikim ng sapak eh! Tsk tsk tsk.
"Matanong ko nga Marc, bakit ka nga pala nandito halos araw-araw?" Pansin ko kasi na halos araw-araw nandito yan sa bahay. Para syang may hinahanap.
Kita ko sa muka nya yung nerbyos dahil sa tanong ko. So totoo ngang may hinahanp sya dito? Ano kaya yun? Or should I say, sino kaya ang hinahanap nya dito?