Chapter 88
Bianca's POV
isang linggo ko na rin tinatago sa mga kaibigan ko na kami na ni Kyle.
ayoko kasi namagexpect sila na mahal na talaga namin ang isa't isa. hanggang ngayon kasi di parin kami naguusap ni Kyle. ayoko kasing lokohin ang sarili ko.
mabuti pang di na muna nila alam na kami na kasi ang complicated talaga namin eh.
iniwan ko muna yung tatlo na kumakain sa cafeteria at nagtungo muna sa ibang section.
pumunta muna ako sa section 1. dito yung section ni Kyle eh. kaso lang di ata sya pumasok ngayon.
nagorder lang ao ng kape saka naupo sa may pinakadulo. at kung minamalas nga naman si pesteng Ariana pa yung nagserve sakin.
"oh kamusta naman yung booth nyo? narinig ko maraming outsiders na pumupunta."
"seriously ano bang pake mo? why don't you just mind you own business?" pagtataray ko
"wow Bianca, naturuan ka na ba ng kaibigan mo na sumagot ha? okay tama ka wala nga akong pake sayo." tapos naglakad na sya paalis
yung totoo baliw na ba sya?
paalis na sana ko hawak ko yung kape nung may makita akong di inaasahan. nabitawan ko yung baso kaya nagcrack.
napatingin sakin lahat ng tao kahit silang dalawa. yumuko agad ako at dinampot yung mga nabasag para di nila ako makita.
nakita ko na lang na lumabas na sila ng pinto.
tumayo na agad ako saka ko pinunasan yung luha ko. kinuha ko na yung bag ko saka lumabas.
dumiretso ako sa likod ng building kung saan walang tao. naupo ako sa may bench malapit sa may puno at umiyak.
bakit? bakit? sabi na nga ba eh. ang galing galing talaga nya.
bakit kailangan ko pang makita si Kyle na may kasama? ay higit sa lahat si Kim pa.
ang tanga tanga ko talaga! ang tanga mo Bianca! arghhh!
"hay nako Bianca. akala ko pa naman natuto ka na simula nung nagbreak tayo."
liningon ko naman yung lalakeng nagabot sakin ng panyo.
"J-Jerome?"
di ako makapaniwala sa nakikita ko. si Jerome talaga?
naupo sya sa tabi ko at tumingin sa malayo. actually hanggang ngayon di parin ako makapaniwala.