Chapter 101

16 1 0
                                    

Chapter 101


Lexie's POV


(Continuation po nung flashback)


"Ahhhhhhm!"


Anong oras na ba ha? Bakit hindi man lang nagalarm yung cellphone ko? May pasok pa ah!


Tatayo na sana ako kaso nakaramdam ako ng sakit sa leeg ko kaya naman minulat ko muna yung mata ko.


Nasan ako? Ano ba yung huling nangyare after nung away namin ni Rylee?


0______0


N-nabaril ako? P-pero bakit buhay pa ako? Multo na ako pero bakit nararamdaman ko parin yung tigas nung upuan?


So hindi pa ako patay? Pero ano ba talagang nangyare? Diba dapat dedoks na ako?


Tumayo ako dun sa upuan saka naglakad papunta dun sa may garden ng bahay. Kanino kayang bahay to?


Ang dilim sa garden tapos halos wala kang makitang iba kundi yung mga ilaw galing sa parang christmast lights na nakasabit sa puno.


Lumapit ako dun nung may makita akong parang pigura ng tao sa likod nung puno.


Hahawakan ko na sana nung biglang gumalaw yung tao kaya naman tumalikod na ako pero nagulat ao nung bigla akong niyakap.


Hindi ako makagalaw kasi feel ko very familiar nung yakap na yan. Na para bang naramdaman ko na yan dati.


"HuggyMoo."


Halos malaglag ang panga ko sa narinig ko. Bakit ganon parang ang sarap sa feeling?


"HuggyMoo happy first monthsary."


Napangiti na lang ako nung hilain nya ako papunta sa mas magandang lugar.


Yung tuktok nung lugar na yun. May isang table na may dalawang upuan tapos may candles and flowers pa.


Inupo nya ako sa isang upuan at umupo naman sya sa harap ko.


Bigla syang kumuha ng whistle saka pumito. Hahahahaha! Hindi marunong pumito gamit ang bibig wahahahaha!


May lumapit na mga lalake pero hindi basta lalake! Si Marc, Kyle at Neil lang naman ang may dala ng mga pagkain.


Nung mailapag na nila yung mga pagkain ay ngumiti lang sila pero halatang pilit saka umalis na.


"Bakit ganon yung mga muka nila? Bakit parang nalugi?"


"Hehe. Hayaan mo na sila HuggyMoo masyado lang paranoid yung mga yun."

LoveteamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon