Chapter 107
Bianca's POV (October 6, 2014)
~~Saranghae, saranghae~~
"Uhm"
O_-
-_O
O_O
Waaaaaaaaa! Anong oras na? Baka naiwan na ako ng bus! Shet naman oh!
Tumayo agad ako and tama nga ang hula ko, gising na yung tatlo. Hindi man lang nila ako naisipang gisingin kanina.
Naligo agad ako tapos nagayos ng sarli saka bumaba sa hotel. May isang place kasi dito na reserve para sa amin. Dito kami, magbe-breakfast, lunch at dinner lahat. Well kasi baka sa time ng lunch nasa ibang place kami kaya baka tuwing breakfast at dinner lang.
Eh bakit nandito pa tong si YAM? Akala ko ba umalis na sila?
"YAM!"
Hindi sya lumingon. Malamang ang tanga mo naman Bianca eh! Di talaga lilingon yan kasi naka-headset eh!
Nilapitan ko sya. Nakatalikod kasi sya sakin tapos nasa harap nya yung table nya na may coffee.
"Annyeong!"
"Tang*na!"
Tapos humarap sya sakin na pulang pula yung muka.
Ako rin eh pulang pula na. Dahil siguro sa dalawang dahilan. Una, dahil nagulat ako. Ngayon ko lang sya narinig magmura at ang pangalawa ay ang gwapo gwapo nya. Jusmiyo! He's like an angel sent from heaven! Ay shet! Hihihi.
"S-sorry Bianca. Akala ko kasi kung sinong koreana na eh."
Nginitian ko lang sya saka naupo na sa harap nya. Tinignan ko lang sya. Grabe bakit ang gwapo gwapo ng boyfriend ko?
"Nasan na nga pala sila Lexie? Umalis na ba?"
Tapos nagpalinga-linga ako. Muka namang hindi pa naman umaalis. Sorry naman eh, hindi ko dala wrist watch ko saka lowbat cellphone ko. Nakacharge sa taas. Saka tinignan ko naman yung oras eh kaso lang wala yung focus ko dun kaya ayan, hindi ko alam.
"Si Lexie at Rylee magkasama, naglilibot ata sa buong hotel. Si Sofia at Marc ay nandon sa meeting dun sa isa sa mga room dito, may paguusapan daw yung buong student council eh. Tapos si Cath at Neil naman ay hindi ko alam kung saan pumunta."
"Ahh, anong oras na ba?"
Nginitian nya lang ako. NGINITIAN NYA AKO! Alam nyo yung ngiting makalaglag panty? Yung parang pati garter kikiligin? My ghad! Panty ko! Kumapit ka!
"Anong oras na? Oras na para sa date natin!"
*blush*
Date? Ayieeeeee! Ayoko muna ngayon! Masyado na akong kinikilig sa kanya eh. Mamaya baka maihi na ako sa kaligayahan eh. Saka aalis na din kami mamaya.
"T-tumigil ka nga! Ano nga?"
Tinignan nya yung cellphone nya. "8:50 am. Uhm, matagal pa. Tara libot muna tayo." Tapos hinila na nya ako.
Palabas na kami ng pinto nung may lumapit saming koreana. Grabe ang ganda! Color red yung hair nya tapos may bangs sya. Bilog na bilog yung mata. Ang kinis ng balat tapos hindi naman sya ganon katangkad pero grabe ang ganda eh. Nakakatomboy.
"Annyeong!"
Ngumiti lang ako sa kanya tapos si Kyle naman, wala lang.
Nagsalita sya ng kung ano-ano na hindi ko naman maintindihan. Waaaaaa! Baka minumura na nya ako. Uupakan ko to eh kahit maganda.