Chapter 99

20 2 0
                                    

Chapter 99


Cath's POV (September 8, 2014)


Hay isang mahabang pagpapanggap nanaman to! Bakit ba kasi hindi ko pa magawang iwan na lang sa ere si Neil?


Nakakainis naman oh! Birthday nya pa! Eh di nandon yung pamilya nya? Shet!


Alam ko naman na isang araw eh matatapos na din yung pagpapanggap namin kaso shet lang! Dahil parang....


....Ayaw ko pa.


Bakit parang gusto ko pang ituloy to at maging toto— aish! Hinde!


Hindeng-hinde na ako pwedeng mainlove at magpaloko sa mga LOKO-LOKO.


Nadala na kaya ako kay John. Ilang taon ba kaming nagtagal non? Two years lang ata? Ewan! Basta ipinagpalit nya na lang ako basta-basta sa isang isda!


Wala namang problema kay Neil eh. Gwapo sya, mabait pero kasi natatakot talaga ako.


Kahit sino naman matatakot diba? Kung nasaktan ka na sa una, pano pa kaya sa pangalawa? Eh di maiiwang kang nga-nga?


Hindi naman sa duwag ako kasi ayaw ko ng subukan sa pangalawang pagkakataon pero kasi pare-parehas lang naman sila eh.


Lahat naman ng mga sinasabi ng mga lalake ay puro kasinungalingan lang.


Katulad nito, sabi nila 'ikaw lang, walang iba'. Tapos makikita mo na may kasamang babeng kakikilala lang pala? Eto pa, 'aalagaan kita, hanggang sa mamatay ako'. Aalagaan? Kaya pala pinalitan ka na agad dahil pumanget ka daw. At eto ang pinaka gasgas na linya nila....


.....'mahal na mahal kita'. Mahal? Isang salitang madaling sabihin pero mahirap gawin.


Bakit ba napakadali lang para sa mga lalake ang gawing barbie ang mga babae? Na pagsawa na sila itatapon lang nila samantalang ang tunay namang lalaki hindi naglalaro ng barbie?


Hay kung saan-saan napupunta ang mga bagay na to! Bahala na si batman sa mga mangyayare samin ni Neil.


***


Hindi naman ako prepared sa suot kong damit diba? Well gustuhin ko mang magsuot ng simple ay di pumayag si Neil dahil engrande daw ang birthday party nya sa bahay nila.


"Oh ano Cath, hindi ka pa ba tapos icheck ang sarili mo?" Tanong ni Lexie habang nagsusuot ng sapatos.


"Gaga! Para kasing ang igsi naman nitong suot ko! Kita pa yung likod ko!"


"Bahala ka na nga dyan! Kaya namro-mroblema si Bianca sayo eh!" Tapos iniwan na nya ako.


Grabe talaga tong mga kaibigan kong to! Sige na, kayo ng kampi! Bakit ba kasi next month pa ang balik ni Sofia ha? Wala akong kakampi dito eh.

LoveteamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon