Chapter 100
Lexie's POV (September 12, 2014)
(A/N: 100 na! Party party!)
Oy! Hello mga kapamilya, kapuso, kapatid! May kwento ako sa inyo!
Yung first monthsary namin ni Rylee nung September 3. First Montsary, first quarrel.
(Flashback - September 3, 2014)
Well kanina pa ako nagaayos dito kasi susunduin ako ni Rylee. May lakad daw kami ngayon. Ewan ko nga kung kaninong birthday eh.
Ang pagkakaalam ko birthday ni Jerome pero hindi naman sila close ni Rylee kaya sigurado akong hindi kami dun pupunta.
*ring ring ring*
Kinuha ko ang cellphone ko saka ko sinagot yung tawag.
"Hello?"
[Hi Girls! Musta na?]
"Waaaaaaaaaah! Sofia?"
Wow! Ang loka nakaalalang tumawag! Grabe akala ko nakalimot na eh.
[Hinde! Si Taylor Swift to!]
Taylor Swift? Waaaaaaaaa! Tinawagan ako ni Taylor! Sisikat na ako!
"Waaaaaaaaaah! Taylor Swift?"
[Lexie naman! Si Sofia to, kamusta na? Buhay pa ba kayo?]
"Oo naman, buhay pa naman kami. Wala dito si Bianca, pumunta sya sa birthday ni Jerome at si Cath naman ayun naglilinis ng buong campus."
[Si Cath naglilinis ng buong campus? Bakit, anong nangyare?]
"Nakatulog lang naman sya sa isang subject kaya ayun, galit na galit yung teacher natin. Swerte nya nga at nag volunteer si Neil para tulungan sya eh."
[Wow! Buti naman tinulungan sya ni Neil.]
"Swerte kamo. Best miss na kita!"
[Ako rin naman eh. Hayaan mo, tumingin ka lang sa picture ni Park Min Young maalala mo na ako.]
"Sige na nga, ingat ka dyan ha? Take Care and always remember that Manila really loves you. Balik ka na dito baka hinahanap ka na ni Napoles."
[Tse! Hindi ko naman kamaganak si Napoles eh! Saka duh! Hindi kaya kami magkamuka.]
"Sige na best, bye bye na, kailangan ko ng bumalik sa class room baka sabihin ni ma'am nag cut ako."