Chapter 91
Sofia's POV (August 21, 2014)
volleyball and basketball game ngayon. nauna ng laruin yung volleyball game sa may volleyball court syempre. hindi namin napanood kasi naman five A.M pala yun and nine na kami nagising kaya magbabasketball game na. yun na lang mapapanuod ko.
nakakalungkot kasi hindi ko makakatabi yung tatlo sa court. nandito kasi ako sa may baba. dito sa may pinaka dulo. yung tatlo kasi leader ng pagchicheer kay Ryle, Kyle at Neil. habang ako nandito nakaupo lang at manunood. hay kainis talaga!
nasa taas sila mamaya habang hawak yung mga ginawa nilang banner tapos sa likod nila yung ibang supporters nung tatlo. naka pink sila Cath, sila Bianca naman naka Red at sila Lexie naman naka yellow-green tapos yung mga supporters ni Marc naka blue pero wala yung leader nila. hala ka dalawang oras na lang magsisimula na ang game.
tumayo ako at pumunta kela Cath para ibigay yung cellphone nya. tumatawag kasi si Kim eh.
nasa locker silang lahat including the basketball team. pagpasok ko dun naka damit na sila at mukang natataranta na sila.
"Cath!" nilingon naman nya ako saka hinila papasok ng room na yon saka ko inabot yung cellphone nya. "Tumatawag si Kim, baka kasi impor—"
"Great Cath! sya na lang! tamang tama fit na fit sa katawan nya yung pwesto ni Jerica!" sabi nung babaeng mukang fan ni Marc kasi naka blue sya eh.
napalingon sakin lahat as in LAHAT. tinaasan ko lang ng kilay yung babae saka ko tinanggal yung kamay nya sa braso ko.
"hey girl kung makahawak ka akala mo close tayo. at saka ano bang pinagsasasabi mo ha?"
"Jerica is absent. my headache sya—"
"I don't care for that Jerica and pwede ba kailangan ko ng umalis." nginitian ko sya tapos lalabas na sana ng may humawak sa braso ko. seriously? ano bang meron sa braso ko?
pagharap ko laking gulat ko ng makita nanaman tong munggoloyd na to. "Sofia please the team needs you. wala yung leader ng fans ko and kapag wala sya—-"
"so balak nyo akong gawing leader?" di ako makapaniwala sa gusto nila. gosh! hindi pa ba sapat na chineer ko sya sa painting contest pati ba naman sa basketball game? aba matinde.
"oo sana."
"Marc for pete's sake. A-Y-O-K-O at kahit kailan AYOKO pa rin."
"Sofia akala ko ba ayaw matalo yung school? para sa scool natin to. sana naman kahit—"
"shut up girl hindi kita kilala. and for fvking sake ayoko. hindi pa ba sapat yung pagcheer ko sayo nung painting contest pati ba naman sa basketball game? bahala kayo! wag ako please iba na lang."
tapos tumalikod na ako at naglakad na palabas nung marinig ko yung announcement "one hour to go and the game will start"