Chapter 102
Bianca's POV (September 15, 2014)
"Hoy Lexie! Yung kalat mo naman dito oh!"
Pano ba naman kasi, kakain kain ng chichirya tapos hindi pupulutin yung mga balat. Hindi sya chichirya na malaki! Yung tig-pipiso lang binili nya.
"Arte mo naman Bianca oh! Eh bakit ako lang ba ang kumain ng mga chichirya ha?! Yung aso mo na ngayon ko lang nakita nakihati pa sa akin!"
Nagulat ako sa sinabi nya kaya naman nilapitan ko agad si BianKyle para ipilit na luwain yung chichirya.
Oh yes, Biankyle yung name, para cool diba?
"Iluwa mo yan Biankyle! Aish! Bakit mo pinakain ng chichirya tong aso ko ha Lexie? Pinagbabawal ko sya ng ganito kasi baka mgaka UTI sya!"
Ahuhuhu, pinakain nya ng junk food ang doggy ko. Huhuhuhu pano kung magka-UTI sya? Pano kung magkasakit? Pano kung aish!
"Bianca ang weird mo ha! Aso magkaka-UTI?" Sabi naman ni Cath na naglalaptop lang.
"Eh pano mo naman nasabi na hindi ah? Bakit veterinarian ka ba? Ha? Hinde! Kaya wala kang alam sa kundisyon *sniff* ng mga aso! Wala kang alam! Wag na *sniff* wag mong sasabihan ng ganyan ang mga *sniff* aso!"
Huhuhu, ayan tuloy naiiyak na ako. Kasi naman eh! Hinde naman nya talaga alam yung about sa aso eh. Huhuhuhuhu.
"Whatever! Wag na wag ka ng magsalita Bianca! Your pissing me!" Tapos umakyat na sya sa kwarto nya.
Whatever daw? Hala ka! Sabi ko dun, kapag meron sya wag ng kumausap sa tao eh, ayan tuloy.
Umakyat na lang din ako sa kwarto ko saka ko iniwan kay yaya Ching yung si Biankyle. He's a golden— wait, she's ata eh. Babae ba yun? Lalake? Hay bahala na nga kung anong gender nun.
Nagmadali akong maligo at mahihiga na sana sa kama nung marinig ko yung pag ring ng cellphone ko.
"Hello?"
Hapon na hapon kung sino-sino tumatawag sa akin. Hindi ba nila alam na rest hour ko to?
[Bianca, bakit wala ka sa school ngayon?]
Si Kyle? Waaaaaaaaaa si Kyle! Kung tatanungin nyo kung ayos na ba kami ito lang masasabi ko, well onti-onti na.
"Natapos kasi agad yung exams na sinasagutan ko kaya umuwi na agad ako. Eh saka medyo wala ako sa mood para mag-stay pa sa school."
Ang totoo eh kaya binilisan ko lang ang pagsagot sa exams kasi kailangan kong magpa-check-up. May breast cancer ako, kahapon ko lang nalaman.