Chapter 74
Catherine's POV (August 10, 2014)
--mall--
kasama ko ngayon sa mall si Neil, namimili kami ng regalo para kay Bianca at kay Rylee
pano ba naman kasi sa August 26 na yung kay Rylee
kailangan na namin bumili ng regalo ng maaga para naman di na hassle
"unahin muna natin yung ipangreregalo natin kay Bianca" Neil
"okay tara, dun tayo sa mga accesories"
nung makarating kami sa isang mamahaling accesory store, ang daming nakatingin samin
oh baka naman kay Neil?
dukutin ko mga mata nyo eh!
teka, bakit ba ako nagagalit?
hay bahala na nga si Darna
"eto na lang ireregalo ko kay Bianca" Neil
tinuro nya ang isnag necklase na may pendant na B
nung tinignana ko yung price, P5,00
wow lang ha, ang mahal naman nyan
ano kaya ireregalo ko sa kanya?
nung nabayaran na ni Neil yung binili nya, lumabas na kami kasi wala akong napili para kay Bianca, damit na lang ireregalo ko don sa babaeng yun
nung makalabas na kami para syang tangang kamot ng kamot sa ulo nya
"huy Neil ayos ka lang?"
"huh? oo may naiwan lang ako sa loob"
tapos pumasok na ulit sya sa store
abno na rin ba yun?
naupo na lang ako sa malapit na bench, katapat lang nung store pero nakatalikod yung upuan dun sa store
naupo lang ako dun at saka inisip kung anong magandang color para kay Bianca?
red na lang kaya? ay kaso marami ng color red na damit yun eh
blue? ay oo nga pala ayaw nya ng blue
orange kaya? wag na lang, ang pangit sa mata
yellow? ano yun maka PNoy?
green na lang? para namang Christmas na
eh ano na lang kaya?
kung black and white na lang kaya?
bahala na nga nalilito na ako
nakaramdam ako ng parang malamig sa leeg ko
OMG may ahas ba sa leeg ko?
gagalaw ba ako?
nung tinignan ko kung ano yun, may pendant syang C at N
tapos----
"ganito lang tayo Cath, nandyan yung pinsan ko"
bakit naman nya na isipan na yakapin ako?
abno na talaga ang mga tao ngayon eh
"eh ano naman kung andyan yung pinsan mo ha?"
"basta!"
hinayaan ko na lang syang yakapin ako hanggang sa naisipan na nyang bumitaw
nung bitiwan na nya ako naupo naman sya sa tabi ko
"buti naman naisipan mo pang humiwalay ha?"
"bakit dapat bang yakapin lang kita forever?" nakangiti nyang sagot
tinaasan ko lang sya ng kilay at saka sumagot
"walang forever, tandaan mo yan"
"meron, basta tayong dalawa, merong forever"
ano daw sabi nya?
"anong sabi mo?"
"wala sabi ko tara na, diba bibili ka pa ng gift kay Bianca?"
di na ako sumagot at tumayo na agad
malapit na mag gabi and still, wala pa kaming gift para sa birthdya ni Rylee
hay hassle
nung makarating kami sa isang shop
pumili agad ako ng damit at binayaran sa counter
at dahil hindi ko alam ang kulay na bibilhin ko, binili ko na lahat ng kulay para sure
"anong oras na ba?"
"mag te-ten na, uwi na tayo Cath"
"ha? eh di pa tayo nakakabili ng gift para kay Rylee eh"
"eh mag-gagabi na eh"
"ay oo nga no, sige tara uwi na tayo baka hinahanap na ako sa bahay"
