Chapter 106
Cath's POV (October 5, 2015)
"Cath gising na! Four na oh! Kailangan natin pumunta sa school ng five dahil baka malate tayo sa bus papunta sa airport!"
Ahhhh! Gumalaw-galaw muna ako tapos dinilat ko yung mata ko saka tinignan yung tatlo na bihis na bihis na.
"Four pa lang ah! Ang assembly time eh five! Excited naman kayo eh! Saka for sure pag dating natin dun meron pang wala kaya matulog muna kayo!"
Bwisit naman eh. Ang aga pa kaya. Nakakatamad geez.
"Catherine Anne Henson!!!!"
Napatayo naman ako agad dun tapos kinuha ko agad yung twalya ko tapos dumiretso sa C.R
Wooh! Akala ko matatanggal na eardrums ko dun eh. Ay teka! Wala pa pala akong damit!
Kaya naman kahit labag sa loob ko eh lumabas muna ako ng kwarto ko at nakita ko silang naguusap lang tapos dahan dahan akong naglakad papunta sa closet ko para maghanap ng susuotin.
"Psst! Ito na suotin mo! Prepared na namin yan!"
***
Ang lamig naman! Nandito na kami sa school at hinihintay namin yung ibang students na late nanaman.
Simula first year lang naman hanggang forth year. Yun lang kaming lahat tapos bale 8 buses ata yung mga bus na nasa harap namin.
Diba tatlong section sa forth year? Dalawa sa third year. Isa lang sa second year tapos dalawa sa first year. Kaya walong bus.
Buti na lang hindi ko kasama si Karen sa iisang bus dahil baka sumabog ako sa inis. You know, allergic ako sa mga sisiw.
Sofia's POV
"All students proceed to your assigned bus."
Hala ka! Paalis na ang lahat wala pa rin si Marc! May balak pa kaya dumating yun?
Teka nga! Bakit ba napaka-affected ko? Kaano-ano ko ba yun? Tss.
Pagsakay naming apat asusal maingay parin. As expected tatabi si Lexie kay Rylee samantalang dati ako yung gustong-gusto nyang katabi kasi madami daw akong dalang pagkain tapos ngayon pinsan ko na gusto nya. Huhuhuhu.
Remember the missions namin kay Lexie at Rylee? Mission #6 completed! 'Sa field trip-gawin silang magkatabi sa bus'
Hindi na rin ako nagtaka nung tumabi si Bianca kay Kyle. Teka?! Ibang section si Kyle ah!
"Oy Kyle! Bakit ka nandito? Hindi ka naman section three ah. Dun ka sa kabilang bus!"
"Masama bang tabihan ko ang YAM ko?" Kyle
Eeeew! YAM! Nakakadiri naman ang mga tawagan nila! Yung isa, HuggyMoo at HuggyBoo tapos sila namang dalawa YAM? Seriously? Nakakabitter!
Hindi ko na lang sila pinansin dahil ano bang magagawa ko? Love nga naman eh. Kaya ayoko--
"Babe!"
"Ay putek!"
Halos mapatalon ako sa inuupuan ko dahil sa narinig ko.
Yung boses na yun kasi napaka pamilyar sakin. Saka babe? Eeeeeew yuck!
Sinubukan kong magtago at isiksik yung ulo ko sa may loob ng jacket ko habang nakaharap sa bintana at nakatalikod sa kanya.
Ayoko ng dalhin ang mga kahihiyang dinaranas ko ng dahil sa kanya. Hiyang hiya na nga ako sa sarili ko eh, pati ba naman sa field trip na to? Badtrip!