Chapter 108

38 2 0
                                    

Chapter 108

Sofia's POV (October 7, 2015)

Nandito kami ngayon sa bus patungong Bukchon Hanok Village.

Pero alam mo yung feeling na kanina ka pa iritang-irita at the same time kilig na kilig dahil sa katabi mo? Aish!

Ilang minuto pa at nakatulog na sya dahil sa kadaldalan nya. Hindi ko nga ma-imagine dati si Marc na kakausapin ako ng matino tapos ngayon ang daldal sobra.

Tinignan ko sya habang natutulog. Ang amo pala ng muka nya kapag tulog no? Ang gwapo gwapo nya. Tapos yung lips.....

Parang gusto kong halikan.

ANO DAW?!!! Anong halik halik! Waaaaaaaaaaa!

Pero ano itong ginagawa ko ngayon? Bakit ako lumalapit sa kanya? Bakit ako naaakit halikan sya? Waaaaaaa magkakasala ako nito eh.

Pero diba tulog naman sya? Wala namang masama kung itutuloy ko diba?

Pero kasi nakakahiya eh!

At dahil ko kung anong sumanib na kalandian sa akin at lumapit pa ako lalo kay Marc. Geez bakit ko ba ginagawa to? Ano ba ba to'ng nararamdaman ko?

Nung isang inches na lang ang layo ng mga labi namin ay may biglang pumasok sa isipan ko.

'SOFIA, HINDI MO SIYA GUSTO'

Tama, hindi ko sya gusto. Hindi ko sya gusto. At kahit kailan hindi ko sya magugustuhan.

Lalayo na sana ako kaso bigla nya akong hinila.

O___O

***

Cath's POV

Pauwi na kami galing sa N Seoul Tower at kanina pa lutang si Sofia. Alam mo yung para syang tanga? Haaay

At alam mo yung kapansin-pansin sa kanya? Kanina pa sya hawak ng hawak sa labi nya. Minsan nga napapaisip ako kung anong meron sa labi nya eh.

At heto nanaman sya. Tulala habang nagaayos kami ng higaan namin kasi matutulog na kami pero sya? Ayun, tulalay.

Nilapitan ko sya at sinigawan ng napaka lakas.

"HOY!!"

At aba, no reaction? Jusme naman! Ano ba talagang nangyayari?

"Cath....."

Ayun! Nag salita din sya. Kasi simula kanina hindi pa yan nagsasalita eh.

"Oh?"

"First"

"Huh anong first?"

"First"

"Ano ngang first yun eh?"

"First"

"Takte! Isa pang first mo, kakalbuhin na kita."

"First"

Aambahan ko na sana syang sasabunutan kaso napatigil ako sa sunod na sinabi nya.

"Kiss"

O___O

Bianca's POV

Lalalalala~~~

Ang saya kaya ng trip namin kanina. Pumunta kami sa Bukchon Hanok Village kung saan nakita namin yung mga 'hanok' o traditional houses sa Seoul nung Joseon Dynasty.

Masaya rin naman sa Itaewon kasi madami kang mabibili kaso nga lang ang daming tao kaya hindi naman gaano na enjoy yung pagputa dun. Siguro sa free days na lang namin.

LoveteamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon