Chapter 63
Catherine's POV
--park--
naglalakad kami ngayon papunta sa isang resto malapit dito sa park
kanina pa kasi kami sumasakay ng mga rides
syempre by couple yung samahan diba?
pero syempre seperated si Marc at Sofia
nung pag pasok namin sa "We Love Restaurant" nilapitan agad ni Sofia yung isa sa mga staff
"can we take table for eight?" ngiti nyang sabi
but I can feel na fake yun eh, pano ba naman kasi yung babae halos iluwa na yung kaluluwa nya sa suot nya, naka civilian sya tapos labas yung cleavage
ayaw pa naman ni Sofia sa mga flirt
"ah yes ma'am what type of food do you want po ba?" at ang arte pa mag salita
"uhm, we will take the Master Food"
Master Food yung pinili nya, sa type ng food na ito lahat na ng food dito na sa class na ng Master Food
aba medyo mahal ang babayaran namin dito ah
"okay ma'am this way po" tapos kinindatan nya si Rylee
naglakad na yung babae pero hinila ni Sofia yung braso nya
oh I smell the word WAR!
"miss may kailangan pa po kayo?"
"wala akong kailangan...."
"ah wala naman pa--"
"wala akong kailangan kasi GUSTO KO"
I can feel na lahat na ng tao nakatingin on our direction
okay? siguro tama na to
"Sofia tama na" tapos hinawakan ko sya sa braso nya
di nya naman ako pinansin saka hinarap ulit yung babae
"ano bang problema mo miss?" medyo mataas na yung boses nung babae
"GUSTO KO, tigilan mo ang panlaladi sa kanya" tapos tinuro nya si Rylee
woah
"eh bakit girlfriend ka ba nya?"
ang lakas ng loob ng babaeng to ah
"hindi" simpleng sagot ni Sofia
"oh hindi naman pala eh" tapos tinaasan nya ng kilay si Sofia
wow amazing ang babaeng to ah, tignan na lang natin
"pero sya" tapos tinuro nya si Lexie "sya yung girlfriend"
tinignan naman nung babae si Lexie from head to toe
"sya? eh wala naman yan sa kaling--"
*pak*
ohhhhhhhhhh
nakataingin na samin lahat ng tao
wala man lang may gustong umawat sa kaguluhan kasi kahit kami nakatingin lang sa kanilang dalawa
"sapat na yan para sayo, kasi di ko aaksayahin yung oras ko para lang sa pagsampal sa matigas mong muka" tapos inirapan na sya ni Sofia at saka nagpatuloy sa paglakad
nung nakita na namin yung table naupo na agad kami
"kayo, ano pang tinitingin tingin nyo dyan? tapos na ang commercial, o baka naman may gusto pang sumunod?" Sofia
tapos nagsibalik na sa kanya-kanyang ginagawa yung mga tao sa loob
kung ako rin naman yung sabihan ng ganon ni Sofia eh matatakot na ako
nung dumating na yung waitress dala yung mga foods kasama nun yung manager ata
"if you'll say sorry" tapos tinignan sila ni Sofia "hindi ako tumatanggap non" tapos binaling na nya ulit yung tingin nya sa cellphone nya
"ah sorry ma'am, that staff was---"
"hindi mo ba narinig yung sinabi ko? oh gusto mo ulitin ko pa?" Sofia
nakakatakot naman tong babaeng to, ano ba nakain nya ngayon at ang taray taray?
baka naman sinaniban?
"sorry" tapos umalis na yung manager
nung nailapag na lahat ng food nagsimula na kaming kumain
lahat tahimik, walang may balak na magsalita, kaya naman binasag ko na ang katahimikan
"uhm Sofia, galit ka ba?"
"hehe hindi! syempre yung kanina acting lang yun hehe!"
NAK NG! ang energetic nya nanaman, at higit sa lahat....
ACTING LANG YUN? pano pa kaya pag totoo na, baka kumain na sya ng tao
"acting lan yun best?" Bianca
"oo naman, di naman ako ganon kasama eh saka mabait kaya ako" tapos nginitian nya pa kami
hay buhay nga naman, puro kolokohan