Chapter 60
Sofia's POV (August 4, 2014)
"layuan mo na ang anak ko Ms.Scott" sabi ni Mrs.Cruz
"pero kaibigan ko po si Max"
"hindi maganda ang paglapit nyo ng mga kaibigan nyo sa kanya, natuto syang magpunta sa bar, natuto syang uminom, hindi na sya nagaaral, Ms.Scott yun lang naman ang hiling ko"
"pero--"
"Ms.Scott utang na loob! layuan mo na ang anak ko! nagiging masama na sya! lumayo na kayo ng mga kaibigan mo! wala kang kwentang tao! BAD INFLUENCE!"
"NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!"
nakaramdam ako ng pag alog sa balikat ko at pagkagising ko nakita ko ang tatlo kong mga kaibigan
"huy Sofia! baliw ka na ba?" Lexie
"OMG, akala ko sa palabas lang makakakita ng mga taong sisigaw ng ganon kapag tulog, pati rin pala sa sa totoong buhay hehe" Bianca, tapos tuwang tuwa pa ang loka
anong klaseng panaginip naman kaya yun?
bakit kaya bumabalik nanaman? 2 years na ang nakalipas ha?
hindi pa ba ako, hahayaan ng konsensya ko?
kasalanan ko ba talaga yun?
nung matapos akong makapag ayos ng sarili ko, bumaba na kami at saka kumain para sa breakfast
katabi ko si Lexie sa right at si Bianca sa left
kaharap ko naman si Marc na busy sa pagkain
"teka nasaan sila Ariana at Niko?" tanong ko
wala kasi sila dito eh
"bumalik na sila sa Manila" Rylee
"ah ganon ba?" tapos napangiti ako "mabuti naman" bulong ko
"huh? anong sabi mo?" Neil
"sabi ko, sayang naman"
"oo nga sayang, mamaya pa naman may tutugtog na banda sa may malapit lang sa park, banda ata eh" Kyle
"wow, tara punta tayo! masaya siguro yun!" Bianca
"lahat naman masaya para sayo eh" Cath
pagkatapos naming kumain umakyat na lang ako sa kwarto since manunod lang naman sila ng Harry Potter, pauli-ulit ko ng napanood yan, kaya di na ako nanood
kinuha ko na lang ang laptop ko
nagbukas ako ng facebook
ang daming friend request pero isa lang inaccept ko
yung kay Shakira
yung batang yun talaga, ang bata bata pa may fb account na
nagulat na lang ako ng nasa photos na ako
napindot ko pala
ibaback ko na sana nung makita ko yung picture namin ni Max...
nakakamiss si Max Jiro Cruz