Chapter 71
Bianca's POV
nung natapos na mag batian
kumain na kami, syempre sama-sama kami sa isang table
at dahil mahal kami ni Kyle, dito sya kumain sa table namin
magugustuhan nya kaya regalo ko?
kahapon ko lang kasi binili to eh, sa tingin nyo magugustuhan nya ang isang t-shirt na may picture namin?
hay nakaka stress, gabi na kasi kami natapos mag mall eh, grabe nakaka kaba naman to
nung bigayan na ng regalo, kinuha ko agad yung akin tapos tinago ko sa likod ko
naglakad ako ng mabilis saka ko tinago sa loob ng kotse yung regalo
iba na lang ibibigay ko sa kanya, sasabihin ko na lang na naiwan ko, ang gaganda kasi ng mga regalo sa kanya eh
pagbalik ko don nakita ko naman si Kyle na kausap si Marc
"grabe, yung kotse na regalo mo sakin Marc, aalagaan ko talaga" Kyle
ano daw? kotse yung regalo sa kanya ni Marc? ang yaman naman nya
at nakakahiya talaga yung regalo ko!
umalis muna yung mga boys tapos kami naman naupo lang
"oh Bianca saan ka pumunta? di mo tuloy naabot yung gift mo kay Kyle" Sofia
yun na nga Sofia eh, di ko talaga inabot
"ah sa labas lang, naiwan ko kasi sa bahay yung gift"
"eh anong laman nung dala mong paper bag kanina?" Lexie
ano bang sasabihin ko ngayon? ba naman kasi eh!
"may balak kasi akong pumunta sa Orphanage mamaya eh, hehe yun tama! yun nga yun!" tapos napakamot ako sa ulo ko
"Orphanage? eh ano naman gagawin mo don?" Cath
"ibibigay ko yung paper bag na hawak ko kanina hehe!"
ano ba yang pinagsasabi ko
"imposible naman ata yan, yung para sa orphans naalala mo pero yung kay Kyle hindi?" Sofia
waaaaaaaa bakit ba ayaw mong maniwala na totoo yung sinasabi ko?
"posible yun! kahit minsan lang hehe"