Limangpu't Siyam

21 0 0
                                    

Nagpalinga linga ng ilang beses si kazz bago tuluyang mamataan ang mga kaibigan na nakapwesto sa gilid na parte ng bar, hindi katulad dati ay walang mga babaeng nakapalibot sa mga ito at tanging ang apat na binata lang ang nasa lamesa. hinawi n'ya ang buhok bago tuluyang lumapit at umupo sa harapan ng mga ito

"kumpleto na tayo!" masayang anunsyo ni shire saka nagangat ng bote ng alak

"kelan ka pa nakabalik?" tanong n'ya kay soul na abala sa pagtingin sa mga taong nagkakasiyahan sa gitna

"kahapon lang, kakaenroll ko lang din kanina sakto nakasabay ko si lime na nagpapaenroll pa lang" sagot nito at hindi inaalis ang paningin sa gitna

"so she still enrolled at della concorde"

"that's why wala s'ya nung first day of enrollment"  magkasabay na sambit nila ni chaze, nagkatinginan sila at agad na nagiwasan.

"yeah, and i advise you two na wag na muna s'yang guluhin. let her breath and be at peace" payo ni soul kaya tiningnan nila ito

"what do you mean?" seryosong tanong ni chaze, saka lang lumingon si soul

"stay away from her for a while, hayaan n'yo s'yang maging normal na estudyante. that's the least thing both of you can do atleast for her. lumayo s'ya sainyo para matahimik s'ya so do her a favor and let her have time for herself and for her friends" paliwanag pa ni soul na tinanguan naman ni shire at vixen na tahimik lang sa paginom

"and besides, kayong dalawa ang nagumpisa ng bet na yun kaya naging ganito ang sitwasyon. pinaglaruan n'yo ang isang inosente para sa pansarili n'yong kasiyahan" dagdag pa nito at wala ng iba pang nasabi si chaze at kazz

"hi lime"

"magandang umaga, lime"

"maganda ka pa sa umaga, lime!"

wala akong ibang magawa kundi ang ngitian ang mga bumabati sakin. unang araw ng klase namin at mula ng pumasok ako sa school premises ay hindi ko na mabilang ang mga bumabati sakin. dahil sa naganap na pageant ay mas maraming nakakilala sakin at hindi ko alam kung magandang bagay ba yun o hindi.

"boo" nilingon ko si soul na kumamot lang sa batok n'ya saka ngumiti

"magugulat din kita isang araw"

"hindi naman ako magugulatin"

"basta, magugulat din kita" tumawa si soul at nagpatuloy na kami sa paglalakad. sa ngayon, sa tingin ko ay totoong masaya na si soul.

may buhay na yung mga mata n'ya at umaabot na ang ngiti n'ya sa mga mata, wala na din yung kakaibang emosyon sa mga mata n'ya na dati kong nakikita. sana ay tuloy tuloy na ang paghilom n'ya mula sa nakaraan n'ya.

naghiwalay kami ni soul sa hagdan dahil magkaibang department kami, dumiretcho ako sa classroom ko at sinalubong ng mga pagbati kaya ngumiti ako ulit bago tumuloy sa upuan ko.

ano na kayang  balita kay chaze? nakapag-enroll na kaya s'ya? sana pala ay tinanong ko si soul, baka sakaling alam n'ya.

Pangatlong bell para sa araw na ito, sa wakas ay uwian na. wala namang masyadong ginawa, introduction sa mga panibagong subjects at professors.

"hi, lime kasper" agad akong napalingon sa tumawag ng pangalan ko. s'ya na naman?

"hale?" nagliwanag ang mukha n'ya at mas lalong lumapit sakin

"I'm glad that you remembered my name, pauwi ka na? sabay na tayo" anunsyo n'ya na inilingan ko kaagad. kakaiba talaga ang pakiramdam ko sakanya

sakto namang nagvibrate ang cellphone ko ng magsasalita na sana s'ya kaya agad akong nagexcuse. salamat sa notification

Married to be FooledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon