Pang-Apatnapu't Tatlo

95 3 0
                                    

"Where are we going,Chaze?"-tanong ko,nasa byahe kami dahil biglang nagyaya si Chaze at may pupuntahan daw kami pero hindi nya naman sinabi kung saan.Nagdala din sya ng blanket at mga pagkain,mukhang may balak syang mag picnic.Ilang linggo na din mula nung nagswimming kami at balik na sa normal ang klase namin,walang pasok ngayong araw dahil holiday

"It's a surprise,you can sleep for a while because our trip would take some time"-nakangiting paliwanag nya kaya tumango na lang ako at tumingin sa bintana para magtingin-tingin at lumanghap ng sariwang hangin,nanatiling fresh ang hangin dito dahil may sapat na puno't halaman ang paligid,plus the fact na malapit kami sa karagatan kaya mas presko ang hangin,hindi din ganun karami ang mga sasakyan dito dahil sa kautusan na hindi pwedeng magbenta ng sasakyan ang mga car dealer kapag walang sariling parking lot ang bibili,may nilalagay din sila sa mga tambutso ng sasakyan na humihigop ng usok na iko-convert para maging useful inks,may disiplina din ang mga drivers at takot na sumuway sa batas at kahit na may mga establisyimento ay walang parte ng kalikasan ang nasira,kung meron man ay napalitan din kaagad ng mga panibagong halaman,lahat ng mga establisyimento dito ay may mga halamang palamuti sa labas at nagkalat din ang mga trash bins,may maayos na segregation ang mga basura at thrice a week kung mangolekta ang garbage management kaya hindi ito nagiging problema,napanatili din nilang malinis ang mga creek dahil sa maayos na drainage system.Tila ba isang panibagong bansa sa loob ng pilipinas ang bayan namin,magaling talaga ang Governor ng lugar namin dahil napanatili nyang maganda ang Solomon Heights,sana ang papalit sakanya sa susunod na taon ay kapareho nyang may malasakit sa kalikasan at sa mga nasasakupan.

Napansin kong lumabas na kami ng Solomon at mukhang papunta na sa bayan ng Baltazar kung saan mas kaunti ang mga establisyimento at puro palayan at bukirin na lang ang meron,kita din duon ang buong syudad dahil ito ang pinakamataas na bayan sa buong lugar namin

Huminga ako ng malalim saka dahan-dahang ipinikit ang mga mata ko para umidlip muna,alam kaya ni Chaze ang lugar na 'yon? pero walang ibang nakakaalam nun maliban sakin at kay papa,isang espesyal na lugar iyon para saaming dalawa dahil nandun ang puntod ni mama,ang sabi sakin ni papa dati ay paboritong lugar ni mama ang burol na iyon dahil kitang kita nya ang city lights,kapag hindi maganda ang nagiging araw ni mama ay duon sya dinadala ni papa at gagaan na ang pakiramdam nito.Ang mama ko,sana ay nasilayan ko man lang sya kahit isang beses

"Kasper,Kasper,we're here,Darling"-nagising ako sa mahinang pagtapik ni Chaze,dahan dahan kong iminulat ang nga mata ko at nakumpirmang nandito nga kami sa burol.Paano nya kaya nalaman ang lugar na 'to? sinabi ba sakanya ni papa?

"Let's go,I want to meet Mom"-naka-ngiting yaya nya saka kami bumaba ng sasakyan,kinuha nya ang mga dala namin at magka-hawak kamay na lumapit sa puntod ni mama na napuno na naman ng mga dahon.Agad akong umupo saka hinawi ang mga dahon at ngumiti

"Mama.Pasensya na po kung hindi ako nakakapunta dito"-malumanay na sabi ko saka muling hinaplos ang puntod,hindi ko alam kung paano ko maiibsan ang pangungulila ko sa mama ko,kahit na hindi ko sya nasilayan kahit isang beses ay mahal na mahal ko sya at nagpapasalamat akong ipinanganak nya ako

Umupo si Chaze sa tabi ko at pinahid ang luha ko saka nakangiting bumaling kay mama

"Nice to meet you,Mom.I'm Chazekio Nishikido,your son-in-law"- naka-ngiting pakilala nya at nag-bow pa saka hinawakan ang kamay ko at nginitian ako,muli nyang ibinaling ang tingin sa puntod ni mama

"I want to apologize for hurting Kasper,Mom.I know I'm such a horrible jerk for doing terrible things to her but I promise to not to do it again,I will give her the love that you're not able to give,I will give her the attention that you're not able to give,I will cherish her until my last breath mom,I will keep her for my self until the last day,Mom,I promise"-dagdag nya pa kaya napayuko na lang ako at patuloy na umagos ang luha ko.Kahit na lumalandas ang luha ko ay nanatili ang ngiti sa mukha ko.Thank you for giving Chaze to me,God.Thank you so much for letting me meet him

Married to be FooledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon