Pang-Apatnapu't Walo

59 2 0
                                    

"Omo! Lime ikaw ba yan?!" gulat na tanong ni Jei pagpasok ko,nginitian ko sya saka ako tumango.Hindi ba bagay sakin ang buhok ko? kanina pa ko pinatitinginan mula ng pumasok ako.Lahat sila tinititigan ako na para bang isa akong weirdo

"Ang ganda mo! omo!omo!omo! bagay sayo! ang ganda mo talaga! bakit ka nagpagupit? ang ganda mo oh my god! bakit ang ganda mo ? waaah!" paikot ikot sya sakin habang tinitingnan ako kaya napatawa na lang ako,akala ko pa naman hindi bumagay sakin

"May bago tayong classmate?" tanong ni Roy kaya lumingon ako,may bago na naman?

"Oh Lime ikaw pala yan! ang ganda mo ah!" bati nya kaya nginitian ko sya saka ako tumuloy sa pag-upo ko at nagtingin-tingin sa bintana.Mamaya na pala ang closing ceremony at awarding,nakailang napalo kaya?Ilang linggo na lang pala at december na,malapit na death anniversary ni mama

Dumating na yung prof kaya umayos na ko ng upo para makinig,nilabas ko din yung filler ko para mag note down

•••

Nilapag ko yung tray ng pagkain ko sa lamesang napili ko,hindi pa ganun karami ang tao dahil hindi pa ata nila break time o baka hindi talaga ganun karami ang pumasok dahil wala naman masyadong klase.Umuwi na lang kaya ako?

"Buti naisipan mo pang umuwi dito,Shamie"

"Oo nga,akala ko dun ka na tatanda sa Japan eh"

"Hahahahaha!mga baliw talaga kayo,syempre may pangako ako kay Chazekio na kailangan kong tuparin"

"Yun naman pala eh, si Chaze gunggong pala ang dahilan"

"Fuck you, dumb shit"

"Hahahahahaha! kilig betlog!"

"Ang hilig mo talagang mag-mura,Chazekio! dapat hindi mo sila minumura kasi kaibigan natin sila!"

"Kamura-mura naman talaga ang dalawang kupal na yan"

"Isa ka pa,Kazz! alam mo,bakit hindi ka na lang makipagbalikan kay Nicx? feeling ko bitter ka pa sakanya eh,gusto mo kausapin ko sya?"

"Shut up"

"Ang sungit mo naman,tutulungan na nga kita eh"

"Ibuhos mo sakanya yang cider mo,Shamie!"

"Hahahahaha! Oo nga! parang matandang nagme-menopause yang si Kazz eh"

"Don't meddle with his business,Shamie let them fix their own problem"

Pinigilan ko ang sarili kong lingunin sila,ang ganda naman talaga ng pagkakataon.Bakit ngayon pa? hayy

"Uy si Lime oh! good afternoon,Lime! ayos lang ba kaming makishare ng table mo?" oh my god,pinaglalaruan talaga ako ng tadhana. Tiningnan ko si Shamie,nakangiti sya habang naghihintay ng sagot ko kaya tumango na lang ako at nginitian din sya.Masaya syang lumingon kela Chaze saka naupo sa tabi ko,sumunod naman sila Chaze at Kazz. Para pang gulat yung tatlo na makita ako habang seryoso naman si Chaze habang nakatitig sakin kaya umiwas na ko ng tingin. Galit ba sya dahil nandito ako at baka sabihin ko ang totoo sa girlfriend nya? o baka galit sya dahil akala nya inutusan ko si Maddie na gawin yung kahapon?


"Kelan ka pa nagpagupit,Lime?" tanong ni Shire saka hinawakan ang buhok ko kaya tiningnan ko sya,bibilisan ko na lang ang pagkain para makaalis kaagad

Married to be FooledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon