Pang-Limangpu

64 2 0
                                    

Inalalayan ako ni Kazz na pumasok sa cubicle saka iniabot sakin yung binili nyang damit. Alas tres na ng madaling araw at nandito kami sa isang convenient store at nakiusap sya na makigamit ng c.r para makapag-palit kami ng damit. Nagising ako kanina na nasa bar kami at sobrang sakit ng ulo ko, nahihilo din ako at ang sabi ni Kazz ay sobrang dami daw ng alak na nainom namin nila Maddie kaya ganito ang mararamdaman ko. Hindi na ko uulit sa pag-inom ng alak

"Are you done?" narinig kong tanong ni Kazz,inayos ko yung shirt ko bago binuksan yung pinto.Inalalayan nya ulit ako at sabay kaming pumunta sa pwesto ni Maddie at Vanna na mukhang sabog, para silang mga wala sa ulirat at nakatulala sa kawalan. Nung mapansin kami ni Vanna ay bigla syang sumipol

"Couple shirts huh" nakangising komento nya kaya napatingin ako sa damit ko at ni Kazz,pareho nga ang damit namin. Nasukahan kasi namin sya, ako, ni Vanna at ni Maddie kaya kinailangan din nyang magpalit ng damit

"Tanga tayo din" komento din ni Maddie kaya sakanya naman nabaling ang tingin ko,pareho nga sila ni Vanna ng damit.Kung tutuusin ay pareho kaming apat ng damit,kulay lang ang ipinagkaiba

Nagirapan silang dalawa kaya napailing na lang ako, ganyan talaga silang dalawa. They always find ways to exchange banters, but I know they love each other like sisters

Tumayo si Kazz para kunin yung binili nyang cup noodles at kape kaya pinanood ko sya. Ano kayang ginagawa nya kanina? pano sya napunta dun sa lamesa namin eh ang huling tanda ko tatlo lang kami nila Maddie ang nandun eh, kaya panong nakasama namin sya?

Inilapag nya yung tray at agad sinunggaban nung dalawa yung dalawang spicy noodles at sandwich,kinuha ko din yung isang noodles saka binuksan yun ganun din ang ginawa ni Kazz at kumain lang kami ng tahimik, hindi pala tahimik dahil nagaasaran si Maddie at Vanna kung sino ang unang nalasing

"What's your plan now,Lime? bakit nyo sinabing pinsan ka ni Chaze?" tanong nya kaya napalingon ako sakanya, nagkibit balikat ako saka nilagay yung straw nung gatas

"Wala kong plano, si Chaze ang nagsabing pinsan nya ko kaya umoo na lang ako. Nakikita ko namang mahal nya si Shamie kaya hinihintay ko na lang na papirmahan nya sakin yung annulment papers" sagot ko saka ininom yung gatas, kahit naman anong laban ang gawin ko kung umpisa pa lang eh talo na ko ay wala din. Anong magagawa ko, mahal nya yung tao syempre magpaparaya na lang ako

"Annulment papers? may annulment papers kayo?" gulat na tanong ni Maddie kaya sya naman ang tiningnan ko, umiling ako saka sya nginitian

"Narinig ko syang may kausap at tinatanong kung gaano katagal ang registered marriage, paniguradong naga-apply na sya ng annulment papers kaya naghahanda na ko" paliwanag ko kaya tumango sila

"Advance magisip si Lime, pero mas maganda na yun kesa yung paulit-ulit ka nyang saktan. Hindi ka nya deserve, mas marami pang lalaki sa mundo na mas deserving" singit naman ni Vanna kaya tumango ako. Mas maayos na yun, para wala ng masaktan pa

•••

Inalalayan akong bumaba ni Maddie habang si  Vanna naman ang nagdala ng bag ko,magkasabay kaming naglakad papasok ng building at ramdam ko ang tingin ng mga tao. Lagi na lang silang nakatingin, ano bang meron kapag naglalakad ako?

"Wag  ko lang talagang makikita yang Chazekio na yan nako, masasakal ko talaga  yan!" inis na sabi nya habang naglalakad kami kaya tumawa si Vanna. Hindi ko sigurado kung bakit nandito sila, sabi ni Maddie ay may pupuntahan syang kakilala dito sa DLC habang si Vanna naman ay trip lang maki-join dahil bored daw sya

"Easy hahaha masyado kang high blood tanghaling tapat" tumatawang singit pa ni Vanna saka muling tumawa kaya hinampas sya ni Maddie at nauwi sila sa hampasan kaya magisa na kong naglakad, hindi naman na ganun kasakit ang paa ko pero hindi pa din tinatanggal yung cast baka sa susunod na araw pa

"Speaking of the devil and his damsel in distress" bulong ni Maddie saka sila huminto ni Vanna, huminto din ako dahil nasa harapan namin sila Chaze. Naka-hawak sa braso nya si Shamie habang naghaharutan naman sila Vixen at Shire

"What happened to you,Lime? gawa ba yan nung nangyari nung isang araw?" alalang tanong ni Shamie saka lumapit sakin, ngumiti lang ako sakanya saka humawak kay Maddie dahil baka sakalin bigla si Shamie, ang lapit nya pa naman samin


"Hindi, kahapon ko to nakuha dahil natapilok ako pagbaba ng kotse hehe" sagot ko saka hinigpitan ang hawak kay Maddie na humakbang palapit. Oh my, wag sana dito

"Kailangan na naming magpaalam dahil pupunta pa kaming admin, bye" singit ni Maddie habang nakangiti at kumakaway, ngumisi lang naman si Vanna saka binangga si Chaze at naunang lumakad kaya sumunod na kami ni Maddie,binangga din ni Maddie si Chaze bago kami lumagpas sakanya.Sumulpot naman si Kazz at parang nagulat pang makita kami


"Uy,Kazz! apir!" sigaw ni Maddie saka itinaas ang kamay at hinintay na apiran sya ni Kazz, tumawa naman si Vanna bago batukan si Kazz dahil hindi ito gumalaw

"Don't you know about high fives? apir!" sigaw din ni Riel kaya inapiran na sila ni Kazz na halatang naguguluhan "Ikaw din,Lime! apir!" dagdag pa ni Riel saka itinaas ang kamay ko at iniapir sa kamay ni Kazz.Ramdam ko ang tingin nila Chaze,paniguradong nagtataka sila kung bakit kilala ng mga kaibigan ko si Kazz

"Sa susunod na maglalasing kami ikaw na ang tatawagin namin hahahaha!"

"Oo nga, may palibreng damit at pagkain. Nasunugan lang ang peg! hahahaha!" napailing na lang ako dahil sa kalokohan ng dalawa. Pagkahatid samin ni Kazz kanina ay para na nilang kaibigan kung itrato si Kazz, hindi ko alam kung maganda ba yun o hindi

"Pero sa susunod sana naman wag na pang-couple na damit! mukha tayong tanga apat pa tayo!" reklamo ni Maddie kaya natawa si Kazz at Vanna

"Wala na kasing ibang tinitindang damit nun,nagmamadali pa ko dahil ang kulit nyong tatlo buti nga magkaibang kulay ang nakuha ko. Kung pare-pareho mukha tayong mga dancer ng barangay" sagot ni Kazz na nagpatawa kay Maddie at Vanna,kahit ako ay mahinang natawa dahil sa sinabi nya. Kawawa naman sya, tatlong lasing ang inasikaso nya

"Si Lime kasi ang kulit eh, kung sino-sinong itinuturong crush ko daw. Pati yung guard napagdiskitahan eh, pati yung jumejebs na aso crush ko din daw" singit naman ni Maddie kaya nagtawanan kami ulit. Hindi ko alam na ganun pala ako kagulo kapag lasing na

"Pareho naman kayong makulit, ang bilis nyong tumakbo kaya nahirapan akong isakay kayo sa sasakyan. Ito ngang si Lime iika-ika na pero takbo pa din ng takbo, para kayong mga batang nakawala ng kuna eh. Sinukahan nyo pa ko ng sabay" reklamo pa ni Kazz kaya tumawa kami ulit. Nakakahiya talaga ang pinaggagawa namin kay Kazz

"Oh well, basta sa susunod isasama ka na talaga namin para may maghatid samin hahaha!"

"Hoy tuleg late na si Lime! Hahahaha!" tumatawang sabi ni Vanna saka siniko si Maddie kaya napatingin ako sa relo ko at halos isang oras na nga akong late, pati na si Kazz

"Tanga pati si Kazz hahahaha! lagot ka,Kazz babagsak ka hahahaha!" parang lasing pa din si Maddie at Vanna dahil ang kulit pa din nila

"Ayos lang, wala namang mga prof ngayon dahil may meeting. Bakit pala kayo nandito?" tanong ni Kazz kaya tumigil sa pagtawa si Maddie at Vanna

"Ayy, akala ko pa naman babagsak ka na" parang nadismaya pa si Maddie dahil walang prof at hindi babagsak si Kazz

"May bibisitahin kasi tong si Maddie, ginawang kulungan tong DLC eh pero infairness malaki at maganda pala dito sana dito na lang tayo nagaral" paliwanag ni Vanna kaya tumango si Kazz, napalingon kami dahil sa tumikhim. Nakatayo pa din pala sila Chaze dun at nakikinig lang sa usapan namin, biglang kumabog ang dibdib ko dahil napansin kong seryosong nakatitig sakin si Chaze, hindi ko malaman kung anong klaseng emosyon ang meron sya dahil masyadong halo-halo at mahirap hulaan,napansin ko ding hindi na nakahawak sa braso nya si Shamie nagiwas na lang ako ng tingin at hindi na nagsalita pa

"Sige mauna na kami,Kazz. Baka hindi ko matancha yang kaibigan mo at sakalin ko na lang bigla, ayokong mag-birthday si Lime sa kulungan" paalam ni Maddie saka ako inalalayan at naglakad na kami ulit, sumaludo lang si Vanna bago sumunod samin

Married to be FooledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon