Pang-Labing Dalawa

213 37 13
                                    

"Okay,class!next week na ang foundation day,may naisip na ba kayomg booth?"-tanong ng instrutor namin at adviser

Next na pala yun,medyo late na kasi akong nag transfer kaya naabutan ko na ang mga events na ganito.

Meron namang ganito sa St. Escolastica pero madalang lang kaming sumali ni Maddie dahil pareho namin hindi hilig ang mga ganito

"Opo!at si Lime po ang main ng booth namin!"-nabalik ako sa reyalidad nung marinig ko ang pangalan ko.Napalingon ako sa mga kaklase ko na nakatingin sakin,nakatayo yung class president namin at nakangiti.

"Oh miss Suarez,nasabi na ba nila sayo ang tungkol dun?"-tanong ng prof,umiling naman ako.Ano ba ang pinaguusapan nila?

"Okay,I will give you this time para maka pag usap usap kayo.I will leave now at hindi pa ko nag la-luch,dapat by friday maipasa nyo na ang plano nyo okay?"-paalala at paalam nya.

Naghiyawan at masaya namang tumango ang mga kaklase ko.Lumapit sakin si Jei.Class president namin.

"Oo nga pala!hehe!Lime,ikaw nga pala ang main ng booth natin"-nakangiting sabi ng class president namin,napakunot naman ang noo ko.

"A-anong booth?"-tanong ko.Parang bigla akong kinabahan,sa tingin ko eh hindi ko magugustuhan ang ideyang pumasok sa mga utak nila.

"Neko Atsume's cafe!ikaw ang mag co-cosplay na pusa at mang hihikayat na pumunta sa booth natin!"-masayang sigaw nya.Neko Atsume?cafe?cosplay?

"Bakit ako?"tanong ko,bente kaming mga babae dito.Bakit ako ang napili nila?

"Napagkasunduan na kasi.Pinagbotohan kayong tatlo nila Scarlette at Yssabelle.At ikaw ang napili ng majority.Maganda ka kasi at maputi,t'yak na babagay sayo ang costume.Wag kang mag-alala hindi naman sya daring.Simple lang sya actually kaya siguradong babagay yun sayo at magko cosplay din naman kami.Ikaw lang talaga ang main"-nakangiting paliwanag nya,napabuntong hininga na lang ako.)usa?Ano ako?si Erin?

"Okay lang ba sayo,Lime?"-tanong nya pa,tumango na lang ako saka um-oo.Ngumiti sya.

"Buti pumayag ka,wag kang mag alala may incentives naman ang pagiging main mo.saka yung fund ng school natin ang gagamitin para sa costume mo.Guys!dapat lahat tayo maki cooperate okay!"-masayang sigaw nya,masayang sumagot naman ang mga kaklase namin.Hayy,ano naman kayang itsura ko nun?

"Excuse me"-napalingon kami sa nagsalita,naka dungaw si Eia sa pinto.Naka uniform na sya ng pang Psychology,naka headband pa yung wavy nyang buhok.Bagay naman pala sakanya yung uniform nila.

"Bakit miss?"-tanong ni Roy,kaklase namin.

"Hinahanap ko kasi si Kasper,nandito ba sya?"-tanong nya kaya tumayo ako at lumapit

"Bakit,Eia?"-tanong ko.Kinamot nya naman yung ulo nya.

"A-ahm,itatanong ko lang sana kung,kung p-pwede mo kong samahan sa building ng Tourism department"-nagaalangang sabi nya,lumingon ako sa president namin.Nakangiti syang tumango kaya lumabas na ko at saka kami naglakad

"Anong gagawin mo dun,Eia?"-nagtatakang tanong ko.Psychology student sya pero sa Tourism department  sya pupunta?

"Pupuntahan ko lang yung kaibigan ko.Hehe,wala kasi akong kasama eh"-sabi nya saka nagkamot ulit ng ulo.Tumango na lang ako,may kaibigan nga pala sya dun.

"Oo nga pala,Lime.Anong booth nyo sa foundation day?"-tanong nya saka naka-ngiting humarap sakin,may kakaiba talaga sakanya ngayon.Parang mas maputla sya kesa nung mga nakaraan

"Cafe ang amin,Neko Atsume's cafe daw.Sainyo?"-tanong ko din

"Horror house ang amin!hehe.Bampira ako dun"masayang kwento nya,Sabagay.May kaputlaan si Eia kaya bagay sakanya ang pagiging bampira

"Ikaw?anong costune nyo?"-tanong nya ulit,napa buntong hininga ako ng maalala nanaman ang tungkol sa booth namin

"Pusa,magiging pusa kami"-sabi ko,sino kaya ang naka isip ng ideya na yun?

"Aahh!panigurado ang cute nyo nun!pupunta ko sa booth nyo"-masayang sabi nya,ngumiti na lang ako.nanahimik kami habang naglalakad

Nasa department na kami ng engineering nung huminto sya sa paglalakad,ginugulo nya yung buhok nya habang nakakunot ang noo at parang may iniisip.

"Eia?may problema ba?"-tanong ko,tiningnan nya ko ng matagal na parang ito ang unang beses nya 'kong nakita.Umiling at pumukit sya ng ilang beses at umatras ng ilang hakbang palayo sakin bago dumilat at tumingin sakin

"L-Lime?s-saan tayo pupun--" nagulat ako nung bigla syang tumumba,napatakbo ako palapit sakanya

"E-Eia?Eia?Eia!"-inaalog ko sya pero hindi sya nagigising,hinipo ko yung noo nya pero wala naman syang lagnat,bakit sya nahimatay?

"W-what happened?"-nag aalalang tanong nya habang binubuhat si Eia,naglakad na sya kaya sumunod ako

"Hindi ko alam.Nagpasama sya papunta sa Tourism department eh,tapos bigla syang huminto at ginulo ang buhok nya.Tinanong nya kung saan kami pupunta then nahimatay na sya"-mahabang paliwanag ko.Nagbuntong hininga sya sama nilapag si Eia sa kama pagkarating namin sa clinic.Inasikaso na sya ng nurse.Kinuha naman ni red yung phone ni Eia saka nag dial.

"Hello?..This is Red....Nandito sya ngayon sa clinic,nahimatay sya...Yeah...Okay"-binalik nya din yung phone pagkatapos nyang makipag usap saka bumaling sakin

"Pwede ka ng pumunta sa klase mo,Miss Suarez"-sabi nya kaya lumabas na ko,ano kayang nagyari dun kay Eia?

Married to be FooledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon