Pang-Anim na pu

12 0 0
                                    

"oh, it's lime kasper" napalingon ako sa nagbanggit ng pangalan ko, nakangiti si hale at nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon. may mga kasama s'yang lalaki na sa tingin ko ay nasa lima o anim. bakit kaya lagi kaming nagkakasalubong tuwing wala akong ibang kasama

"hale" nagliwanag ulit ang mukha n'ya saka lumapit sakin kaya napaatras ako

"so you still remember my name, what are you doing here?" tanong n'ya saka ako hinawakan sa braso. oh no

"a-ah, i'm buying some materials" hindi ko talaga maintindihan kung bakit kakaiba ang pakiramdam ko sakanya

"do you mind if i--"

"hale let's go, may practice pa tayo!"

"next time na yan hale, nagagalit na si coach!"

"ugh, too bad! next time, lime kasper. next time" huling sinabi n'ya saka tumakbo papunta sa mga kasama n'ya. hay, salamat naman.

naglibot libot lang ako sa nbs para tumingin ng mga libro. gusto ko kasing matutong magluto at magbake kaya bibili ako ng mga libro na pwedeng magturo saakin kung pano. gusto ko lang ng mga bagong experience at libangan since apat na beses sa isang linggo na lang ang pasok ko

nang matapos akong magbayad ay tumuloy na ko pababa papunta sa parking lot, nag grocery din ako ng ilang ingredients ng mga susubukan kong lutuin. sana madali kong matutunan to

pagkatapos kong mailagay sa backseat ang mga pinamili ko ay nagulat ako ng may apat na lalaki ang nakatayo sa harapan ko

"lime, right?" tumango ako at bigla n'ya akong hinila sa braso

"t-teka, san mo ko dadalhin?" pinipilit kong magpumiglas pero mahigpit ang pagkakahawak n'ya sa braso ko habang hinihila ako. masakit din ang paghawak n'ya. sino naman s'ya ngayon?

"we'll just have some fun" nakangising sagot n'ya saka nagpatuloy sa paghila sakin, may pinasukan kaming eskinita at umakyat kami sa isang two storey building. pagpasok sa unang pinto ay sinalubong kami ng mga maiingay na tao, iba't ibang kulay ng ilaw at amoy ng alak at sigarilyo. nakupo

pumasok kami sa isang kwarto na may mahabang itim na sofa at babasaging salamin na mesa, may iba't ibang bote din. oh no

pinaupo n'ya ko sa gitna ng sofa at kinuha mula sa bulsa ng blazer ko ang cellphone ko saka binuksan yun. ilang sandali pa ay nakarinig ako ng ring

"hello, lime? bakit" si kazz? bakit n'ya tinawagan si kazz?

"surprise, flauz" nakangising bungad nung lalaki. wait, ano bang nangyayari?

"wait, anthony?! what the fuck?! bakit na sa'yo ang cellphone ni lime?! you fucker! what the hell do you think you're doing?!" sunod sunod na mura ang umalingawngaw, humalakhak yung tinawag na Anthony ni kazz

"sino yan?" sunod kong narinig ang boses ni soul. mukang magkakasama sila

"asshole, where the fuck are you?!"

"it's time to play, flauz. find us, you have 2 hours"

"fuck you"

inilapag nung anthony ang cellphone ko saka naupo sa tabi ko. nagbukas s'ya ng alak at nagsalin sa dalawang baso

"you drink?" tanong n'ya kaya agad akong umiling, kinuha n'ya yung isang baso saka sinaid ang laman nun

"you don't look like you do anyway" nagkibit balikat s'ya saka nagpatuloy sa paginom.

may apat na babaeng pumasok at saka umupo sa tabi nila, umusog ako sa sulok at dahan dahang inabot ang cellphone ko na nasa ibabaw ng lamesa nang nabusy sila sa alak at babae. pinindot ko ang unang lumabas sa contacts ko at inilapag yun dahil kinakabahan na talaga ako.

Mukhang napaparami na ng inom yung lalaking humila sakin, tumayo s'ya at umupo sa tabi ko saka hinaplos ang buhok ko kaya napaatras ako pero napadikit lang ako sa dingding nitong kwarto. akma n'ya kong hahalikan kaya ihinarang ko ang braso ko sa mukha ko at narinig ko ang pagmumura n'ya

"you want to play hard to get huh" nagulat ako nang hilahin n'ya ang uniporme ko at punitin yun. napatili ako sa gulat kaya ngumisi s'ya ulit

"no wonder why flaus and nishikido swoon over you, you're a great catch. beautiful face with a beautiful and flawless body"

nanginginig na ko sa takot at hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ko alam kung sinagot ba ng taong tinawagan ko ang tawag ko. sana ay oo, sana ay may dumating na tulong para sakin.

napatitig sa cellphone si chaze ng rumehistro ang pangalan ni lime, nagbi-video call ito at nagtataka s'ya kung bakit. bakit nga ba biglang magbivideo call si lime samantalang hindi naman ito mahilig gumamit ng cellphone, pero kahit na nagtataka ay sinagot n'ya ito.

walang sumalubong sakanya, tanging kwarto lamesa mga bote ng alak at iba't ibang ingay kaya mas lalo s'yang nagtaka. bakit magpupunta sa ganoong lugar si lime?

napalingon s'ya kay shire na biglang dumungaw sa cellphone n'ya, kasama n'ya ito at si vixen samantalang lumabas naman si soul at kazz para bumili ng panibagong set ng inumin nila. nasa condo sila ni vixen at nagiinuman dahil ilang araw na lang ay kaarawan na nito.

"teka, alam ko yan ah! nakapunta na ko jan!" biglang singit ni shire na nakikinood na din, nagsalubong lalo ang kilay n'ya. bakit nasa ganyang lugar si lime?

"sino yan, chaze? bar yan na palaging pinupuntahan nila anthony, nakikita ko s'ya jan madalas" dagdag pa nito kaya tuluyan ng tumayo si chaze at hinablot ang susi ng sasakyan. hindi maganda ang pakiramdam n'ya, alam n'yang hindi magpupunta sa ganoong lugar ng basta basta si lime.

mabilis n'yang tinahak ang elevator para makababa, nakasunod naman sakanya si shire at vixen na naguguluhan.

"hello, kazz?"

[anthony called me, he used lime's phone and he's with her. he gave us 2 hours to find them!]

"alam ko kung asan sila, kita tayo dun! itetext ko sa'yo ang address!"

[bilisan mo! that fucker!]

mas lalong natuliro si chaze ng marinig ang sinabi ni kazz, tama nga ang kutob n'ya.

mabilis na nagdrive si chaze papunta sa bar na sinabi ni shire, nakasunod naman ang dalawa sakanya na dala ang kanya kanyang sasakyan. talagang ang bar na nasa dulong bahagi ng Solomon heights pa talaga ang napili nito, buti na lamang ay walang traffic kung hindi ay mabilis na mauubos ang dalawang oras nila.

halos mapatalon ako ng biglang bumukas ang pinto, magkakasunod na pumasok sila chaze, soul, kazz, vixen at shire. namumula ang mukha ni chaze at mabilis na lumapit kay anthony saka ito sunod sunod na sinuntok, sa ibang kasama naman ni anthony lumapit sila soul saka umatake din ng sunod sunod na suntok. naghihiyawan namang tumakbo palabas yung apat na babae habang para akong napako sa kinauupuan ko.

Hindi ko alam kung bakit nangyayari 'to, hindi ko naman kilala ang lalaking binubugbog nila chaze.

nanginginig pa din ako nang lapitan ako ni chaze, hinubad n'ya ang jacket na soot saka ipinasoot ito sakin saka ako niyakap at kusa ng kumawala ang luhang kanina ko pa pinipigilan

"i'm so sorry baby, sorry for being late. did he do something awful to you? di he touched you?" bulong n'ya, umiling naman ako habang patuloy na umiiyak. pinulupot ko ang mga braso ko sakanya saka s'ya niyakap ng mahigpit. kakaibang takot ang naramdaman ko kanina, akala ko ay katapusan ko buti na lang at inawat s'ya ng isa sa mga kasama n'ya at sinabing hindi naman iyon ang pakay nila.

"i'm so sorry, baby. we'll put that bastard in jail, how dare he do this to you. I'll kill him, i'll kill that bastard for touching you" patuloy na bulalas n'ya habang hinahaplos ang buhok ko, unti unti namang kumalma ang sistema ko kaya bumitaw na ko sa pagkakayakap ko kay chaze.

hawak nila shire yung apat na lalaki na puro dugo na ang muka, namumula pa din sa galit si kazz at soul pero hindi na sila umatake ulit dahil nakatawag na din ng pulis ang manager ng bar.

Married to be FooledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon