Limangpu't Walo

29 1 0
                                    

"Lime gurl!"

"Lime dito!"

Nilingon ko yung tumawag sakin at saka ako ngumiti, nilapitan ko sila na parehong nakaupo. panibagong semester kaya sabay sabay kami nila jei at rica na mageenroll, 3rd year college na kami sa wakas.

"asensado ka lime gurl ha! infairness bagay sa'yo ang brown hair, mas lalong naging pretty!" puri ni rica habang hinahaplos ang buhok ko kaya nginitian ko s'ya, si maddie ang nagsuggest na kulayan ang buhok kong mabilis na humaba sa dati nitong sukat.

"kainggit talaga ang ganda mo, lime! kahit anong gawin mo bagay na bagay sa'yo e" dagdag pa ni jei kaya nginitian ko din s'ya, maski s'ya ay nagbago ng kulay ng buhok at iniksian ito. maganda naman si jei kung sa totoo lang, mas lalo pang umangat dahil sa kulay burgandy n'yang buhok

"bagay din naman sa'yo ang buhok mo, mas umangat ang ganda mo" puri ko din kaya ngumiti s'ya ng malaki saka hinampas si rica

"rinig mo yun, rics? ang ganda ko daw! maniwala ka kay lime di s'ya nagsisinungaling" tumatawang sabi n'ya habang hinahampas pa din si rica na tumatawa lang

"nako lime gurl, lalaki lalo ang ulo at tenga n'yan dahil sa sinabi mo" tumatawang sabi ni rica kaya hinampas s'ya ulit ni jei. walang nagbago sa ayos ni rica, nagpagupit lang s'ya at panglalaking ayos pa din

"tse! tara na nga at pumila para makapagpaenroll" tumayo si jei at sabay sabay kaming naglakad papunta sa pila, hindi pa ganun kahaba dahil maaga pa naman at pangapat na araw na din ng enrollment kaya hindi na masyadong matao. buti na lang at itong araw ang napili nila jei n magpaenroll

enrolled na kaya sila chaze?

mula ng umuwi ako galing batanes ay hindi pa kami nagkikita, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya. nahihiya din naman akong imessage s'ya o ichat dahil hindi ko alam kung paanong uumpisahan o kung saan maguumpisa kaya magiisip muna ko kung paano bago ko s'ya imessage.

pagtapos naming magusap ni shamie sa batanes ay nauna s'yang umalis at dumiretcho ng uwi sa japan dahil mageenroll din daw s'ya at dun na talaga tatapusin ang pagaaral. wala akong masabi sa kabutihan ng puso ni shamie, walang kahit na konting bahid ng galit dahil sa nangyari.

"oo nga pala, bongga ang bakasyon mo gurl ha! nagbatanes ka!" biglang sabi ni rica saka ako hinampas kaya medyo napatalon ako sa gulat. siguro at nakita nila sa social media ko yung mga inupload kong pictures

"oo nga e, sana lahat nakakapag batanes" dagdag ni jei kaya nginitian ko lang sila pareho. ang alam ko ay sa ibang bansa nagbakasyon si jei base sa nakita kong post n'ya

"hi, you're lime right?" sabay sabay kaming napalingon sa nagsalita. isang matangkad ang nakatayo sa likod namin, may kalakihan ang katawan n'ya at nakaayos palikod ang buhok, mukha s'yang atleta base sa suot na damit. pero teka, pano n'ya kong kilala?

"u-uhm...yeah?" sagot ko, hindi ko alam pero kakaiba ang pakiramdam ko sakanya. uneasy, pakiramdam ko ay may kung ano sakanya.

"glad to finally meet you, i'm hale by the way" nagalok s'ya ng shakehands kaya kahit na nagaalangan ay inabot ko iyon, ayaw ko namang maging bastos sakanya.

"l-lime" ngumiti s'ya at matagal bago bitawan ang kamay ko, kung hindi ko pa hinila ito ay hindi n'ya pakakawalan

"i know, see you around, lime kasper" isang ngiti ulit ang pinakawalan n'ya bago naglakad palayo. weird.

"hindi mo s'ya kilala, lime?" tanong ni jei at agad akong umiling, ngayon ko lang s'ya nakita

"madaming hindi kilala si lime gurl, mga matataas kasi ang bakod e" tumatawang sabi ni rica. huh? bakod?

Married to be FooledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon