Pang-Tatlumpu't Lima

175 27 14
                                    

"Lime eto din isukat mo,parang mas maganda ang kulay nito"-abot saakin ni Jei ng isang kulay pula na dress,tiningnan ko yun saka inabot.Red long sleeved and long back laced dress,mas okay na 'to kesa sa sinukat ko kanina

Pumasok ako sa loob ng fitting room saka isinuot yung dress,pagkatapos kong maiayos eh lumabas na 'ko.

Nakita kong nagke-kwentuhan si Jei at Rica kaya tumikhim ako para maagaw ang atensyon nila,halatang pagod na din sila.

Kanina pa ko labas pasok kasusukat ng dress na isusuot ko mamaya para sa contest ng school.Pagod na ko sa kabibihis pero ayoko namang magreklamo dahil alam kong mas pagod sila sakin

"Uwaaaa!ang ganda mo talaga lime!lahat na lang bagay sa'yo!"-namamanghang saad ni Jei saka lumapit sakin,napangiti naman ako ng alanganin.Hindi ko alam kung bakit hirap na hirap sila sa pagpili ng isusuot ko

"Oo nga,gurl!kaingit ang fez mo!"-dagdag pa ni Rica saka ako hinampas sa braso,medyo napalakas ang hampas nya kaya nagulat ako at napalingon sakanya

"Hey!wag mo syang hampasin!"-sita kaagad ni Soul saka lumapit saamin saka ako inilayo ng kaunti"Madaling magkapasa si Lime kaya wag mo syang hahampasin,mabigat pa man din ang kamay mo dahil lalaki ka"-dagdag pa ni Soul.Saan nya naman kaya nakuha na madali akong magkapasa?

"Sorry naman kaagad,fafa Soul!hindi ko alam,sorry din Lime gurl"-hinging paumanhin ni Rica kaya nginitian ko lang sya

"Okay lang,hehe.Medyo nagulat lang ako"-sagot ko saka bumaling kay Jei

"Okay na ba 'to,Jei?"-tanong ko,ngumiti lang sya saka umiling

"Napapagod ka na ba,Lime? hehe,bagay naman sa'yo lahat kaso may hinahanap talaga ako eh,yung may something"-sagot nya saka inilibot ang tingin,napa-buntong hininga na lang ako.

"Try this,Lime"-napalingon ako kay Soul,may inaabot sYang long gown,kulay puti iyon at see through.Binalingan ko si Jei at mukhang nagagandahan sya sa gown na yun

"Yan na ang kukunin natin!ang ganda!"-masayang saad ni Jei saka kinuha kay Soul yung gown at iniabot dun sa naga-assist saamin

"Kukunin na namin yan"-nakangiting saad nya dito saka sumunod papunta sa cashier,umupo naman ulit kami ni Soul at hinintay na matapos syang magbayad

"Sigurado ka bang hindi na masakit yang mga sukat mo?sino ba kasing nakaaway mo?"-tanong ko ulit,hindi ko alam kung pang ilang tanong ko na sakamya 'to,pero.nagaalala lang ako.

Nagulat ako kaninang umaga ng magkita kami dahil putok ang labi at kilay nya,may pasa din sya sa mukha at panga,may ilang band aids din na nakalagay sa ilong at cheekbone nya.Kanina ko pa sya tinatanong kung sinong nakaaway nya pero hindi sya sumasagot,ngiti lang ang binibigay nya saka iiling

"Okay na 'ko,napa check ko na to sa nurse at baka sa isang araw lang eg gumaling na 'to"-nakangiting sagot nya habang kinakapa yung mukha nya,napa-buntong hininga na lang ako saka nanahimik na

Ilang minuto pa eh natapos na si Jei kaya lumabas na kami at dumiretcho sa parking lot,kotse ni Soul ang gamit namin papunta dito sa PCC.

Mamayang gabi na ang contest na sinasabi ni Jei.Para syang pageant dahil may mga rampa at pagpapalit ng damit.Ang ipinagkaiba lang ay walang Q & A

"Ah Lime,marunong ka bang kumanta o sumayaw?kailangan daw kasing nagperform din ng talent"-biglang tanong ni Jei,pabalik na kami sa school dahil alas tres na at alas syete ang umpisa ng contest

"Hindi ako marunong na pareho eh"-sagot ko,mukha namang nadismaya si Jei kaya umiwas na lang ako ng tingin.Bakit kasi kailangan pa ng talent,"Pero meron bang piano o violin sa school?"-tanong ko,yun na lang ang gagawin ko.

Married to be FooledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon