Pangalawa

293 77 49
                                    

Humihikab akong lumabas ng classroom,dismisal na kasi namin.

Putol ang tulog ko,ang aga kasing nag dismiss ng prof namin dahil sa biglaang meeting ng faculty

Tch!sa susunod ko na kakausapin si Chaze dahil wala akong gana ngayon.

Inaantok pa talaga ako,napuyat ako kakaisip kung paano matatakasan ang kasal na yun.Hindi ako pwedeng makasal,pa'no na plano kong pagma-madre?kailangan kong mapigilan ang kasal

Hindi naman pumasok si Maddie,wala tuloy akong mapagtanungan,masyado talagang possessive si Psyche.

Bumaba na ko at nakita ko ang kumpulan ng mga babaeng estudyante sa dulong pasilyo.

Yun ang daanan palabas,sa gilid ako dumaan para hindi ako masyadong masiksik

"Pst!pst!hey!"-narinig kong sigaw,sino kaya ang sumisigaw na yun?ang bastos nya,ginawa nyang aso yung tinatawag nya.

"Lime Kasper Suarez!"-napalingon lang ako nung may sumigaw ng buong pangalan ko.Pano nya nalaman ang buong pangalan ko?

Nakita ko si Chaze na nakatayo sa tabi ng grey Bugatti Veyron nya.

Nakatingin lahat ng estudyante sakin.Bakit nya ko tinatawag?

"Bakit?"-tanong ko pero hindi ako lumapit sakanya,pakiramdam ko ay napakaraming kuryente ang dumaloy sa katawan ko

"Tch!"-sambit nya saka sumakay sa kotse nya kaya nagumpisa na ulit akong maglakad.Trip nya kaya sa buhay?

Naramdaman ko na lang na may humintong kotse sa tabi ko kaya nilingon ko 'to

"Sakay"-utos nya,tiningnan ko lang naman sya.

Hindi ko makontrol ang paghuhurumentado ng sistema ko dahil sa presensya nya.Shit,deep deep shit.

"Bakit?"-hindi ko alam kung bakit yan ang naunang lumabas sa bibig ko,masyado siguro akong nahuhulog sa presensya nya at sa isiping nasa harap ko sya kaya hindi maayos na gumagana ang sistema ko

Tanga ka talaga Lime!malamang kakausapin ka nyan na tutulan din yung kasal.Tch!medyo loading talaga ko kapag inaantok eh

"Let's talk,talk about our...Marriage"-sa sinabi nyang yun eh na-gets ko na.

Lumapit ako sa kotse nya saka sumakay sa shotgun seat,yun lang kasi ang meron tong sasakyan nya.

Naghihirap na ba sya?upuan lang di nya pa mapalagyan ang kotse nya.

Agad nyang pinaharurot ang kotse nya nung nakapagseatbelt na ko.

Masyado syang sabik sa daan.hininto nya yung kotse nya sa tapat ng isang restaurant.

Angeles Restaurante

Pumasok kaming dalawa sa loob,halatang pang mayaman dahil sa mga nasa loob.

"Good afternoon,Madame,Sir.Do they have any reservation?"-agad na tanong nung lalaki,tumango si Chaze

"Nishikido,Chaze"-sagot nya,agad naman kaming ini-guide papunta sa lamesa namin,umupo na ako saka binuo sa utak ko ang mga sasabihin ko

Nakikipagusap pa kasi si Chaze sa isang waiter,mukhang oorder pa sya

Ilang sandali lang eh umupo na din sya,inabutan kami ng menu nung waiter saka umalis

Tinitigan ko lang yun,hinahanda ko kasi yung sasabihin ko.Sana ay parehas kami ng iniisip.

"What's yours?"-tanong ni Chaze nung lumapit ulit yung waiter,nag angat ako ng tingin

"Tubig lang"-sagot ko saka inabot yung menu sa waiter

"Fvck,what?tubig?are you kidding me?dont worry its on me so order everything you want,wag ka ng mahiya"-sabi nya habang nakangisi.Umiling naman kaagad ako

"Tubig lang po ang akin kuya,salamat"-baling ko sa waiter.nagwawala na ang buong pagkatao ko dahil sa mga ngiti nya,mali,ngisi nya pala.Shit

"Alright,mamaya na lang kami oorder.Tatawagin na lang kita"-nakangisi nyang sambit sa waiter.umalis naman 'to kaagad

"Soo--"

"Refuse the marriage,Ikaw na lang ang pagasa dito.Ayaw pumayag ni papa na itigil ang kasal.Please wag nating hayaang matuloy ang kasal"-putol ko sa sasabihin nya.Nagulat ako nung bigla syang ngumisi

"Why baby?dont you like me?Im a full pakage already"-nakangisi nyang sambit,umiling naman ako kaagad.Hindi ko makontrol ang pagkabog ng dibdib ko

"Yeah,I like you.I really really like you.Pero ayaw kong matali sayo.I dont want this marriage."-diretchong sabi ko. pero lalo lang lumaki ang ngisi nya

"Then I'm so sorry baby,but I.. already said yes"-sa sinabi nyang yun eh parang gumuho lahat ng tinayo kong pag-asa.

"Why?why...bakit ka pumayag?diba womanizer ka?dapat hindi ka pumayag!"-nagpapanic kong sigaw.Pano na?!nag smirk lang naman sya sakin kaya napa-iling ako

Tumayo na ko saka lumabas.Deep shit,wala na talagang pagasa.

Pumara ako ng taxi saka agad na nagpa-hatid sa bahay.Pano na 'to?pano na ang pag-pasok ko sa kumbento?pano na ang pagma-madre ko?

Kailangan kong makagawa ng paraan para hindi matuloy ang kasal,hindi ako pwedeng maikasal

Married to be FooledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon