Pang-Limangpu't Isa

82 3 4
                                    

"Ito din oh,kailangan natin to" turo ni Maddie sa mga canned goods kaya itinulak ko palapit dun yung cart namin.Mabilis namang kumuha si Vanna at Maddie nung mga kailangan daw namin.

Isang linggo na din ang lumipas at inalis na yung cast ko sa paa, namimili kami ngayon dahil bigla nilang naisipang mag-swimming daw. Kahit na tatlo lang kami ay ang dami nilang pinamimili na para bang isang linggo kami dun samantalang two days and one night lang naman kami at sa Costa Abril lang naman yun

"Hindi ba tayo pagagalitan nito? baka masira na yung cart" tanong ko ulit, nakasakay kasi si Maddie sa loob ng cart habang nakasabit naman sa harap si Vanna at ako ang nagtutulak.Baka bigla na lang bumigay 'tong cart at mapagalitan kami

"Hindi yan, bakit may kalayaan naman tayo no" sagot ni Maddie saka kumuha ulit nung gatas na nasa lata

"Hahahahaha gago, kalayaan mo mukha mo. Dun naman tayo sa fruit section Lime, gawa tayo fruit salad" turo ni Vanna kaya diniretcho ko yung cart papunta sa fruit section, bumaba na sila saka kumuha ng mga prutas kaya tumulong na din ako. Kumuha ng panibagong cart si Riel at dun nilagay yung mga prutas dahil puno na yung isang cart, nung nakuntento sila sa mga pinagbibili namin ay nagbayad na kami at lumabas

•••

Ipinarada ni Vanna yung sasakyan kaya nagbabaan kami, bumaba din yung body guards ni Maddie mula sa kabilang sasakyan saka binuhat yung mga pagkaing dala namin at pumasok kami sa loob. Sinalubong kami nung staff na nakausap ni Vanna kanina at sinamahan kami sa cottage namin, kubol yun na open pero may maliit na gate,may kwarto din sa loob na pwedeng tulugan at pagbihisan. Inayos lang nung mga body guards ni Maddie yung mga dala namin saka nagpaalam na, nilapag ko yung dala kong bag at naupo muna. Inayos ko yung mga plato at kubyertos na dala namin habang nagbibihis si Vanna at Maddie. May dala naman akong board shorts at sando na pwede kong magamit para mamaya

"Lime ikaw naman magbihis para makaligo na tayo, I'm excited!" masayang tawag ni Maddie,lumabas naman si Vanna na naka-swimsuit. Magsi-swimsuit sila?

"Ito isuot mo, Lime. Ako pumili nyan kaya siguradong bagay sayo yan" inabot ni Maddie sakin ang striped black and white na swimsuit pero tiningnan ko lang yun. Seryoso ba sila na magga-ganyan kami dito?


"Bakit?" tanong nya nung hindi ko kinuha, bumuga ako ng hangin bago tumingin sakanila. Parehong black with white ang swimsuit sila, hindi naman ganun karevealing pero kasi

"Sigurado ba kayo na maggaganyan tayo? medyo madaming tao dito eh" tanong kaya tumango sila ng sabay

"Ofcourse, resort to Lime kaya natural na mag-ganito tayo wala namang masama eh, tingnan mo nga yung sa ibang babae mas grabe pa eh" sagot ni Maddie na tinanguan kaagad ni Vanna

"And also, we're sexy, free and single and ready to mingle!" dagdag pa ni Vanna na tinawanan kaagad ni Maddie, bumuga ulit ako ng hangin saka kinuha yun at pumasok ng c.r para magpalit.Tiningnan kong mabuti ang isusuot ko,hindi naman pala sya ganun kaiksi di katulad nung kay Maddie at Vanna. Nung maiayos ko na yung soot ko ay lumabas na ko,ngumiti ng malaki si Maddie at Vanna at lumabas na kaming tatlo, alas quatro na ng hapon at medyo madami ngang tao. Karamihan ay parang kaedaran lang namin na naisipan lang ding mag swimming.Uso yata talaga ang magswimming kahit na November na


🌸🌸🌸

Tuwang-tuwang nagtatampisaw si Shamie sa tubig kasama nila Shire at Vixen, nanonood lang naman si Chaze habang nakaupo sa gilid ng pool habang ako naman ay abala sa pagi-ihaw. I don't know what has gotten into their minds and planned this sudden swimming, it's fucking November and the winds are really cold but those dumb shits is not even bothered by it

Married to be FooledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon