Ipinarada ni Kazz yung sasakyan nya sa tapat ng isang kaninan,medyo madaming tao at karamihan eh mga estudyane din.Bumaba na sya kaya sumunod ako sakanya,malaking sign board na may Kamayan ang sumalubong samin.Pumasok kami sa loob at sinalubong ako ng masarap na amoy ng iniihaw na manok kaya lalo kong naramdaman ang gutom ko.Ilang oras na ding kumakalam ang sikmura ko
Umupo si Kazz sa bandang gilid kaya umupo din ako sa upuan sa tapat nya,agad na lumapit samin yung isang lalaki at inabutan kami ng menu
"Dalawang inihaw,isang cola,isang beer at dalawang extra rice.Paki dagdagan yung yelo at sili" order ni Kazz kaya napatingin ako sakanya.Ang lakas nya palang kumain,dalawang order ng pagkain.
"Dalawang inihaw,isang cola,isang beer at dalawang extra rice coming up!" masiglang sabi nya saka umalis.Bakit sya umalis eh hindi pa ko nakakaorder?
"Hindi pa ko nakakaorder,Kazz.Bakit umalis na sya?" tanong ko,napayuko si Kazz at bahagyang gumalaw ang balikat nya kaya naguluhan ako.Anong nakakatawa?
"Tagisa tayo sa inorder ko,sa tingin mo ba kakain ako ng ganun kadami?" tanong nya habang nakangiti kaya umiling ako kaagad.Nakakapanibago pala kapag nakangiti si Kazz at hindi nakangisi.Tumayo sya at niyaya ako kaya sumunod namab ako,naghugas kami sa lababo di kalayuan sa lamesa namin at bumalik din pagkatapos
Ilang minuto kaming naghintay bago dumating yung order ni Kazz.Ilang beses ding tumunog ang tyan ko kaya walang tigil ang pagbungisngis ni Kazz.Muling tumunog ang tyan ko ng mailapag sa harap ko yung pagkain namin,nakalagay sa maliit na kawali ang isang inihaw na manok,kanin,kalamansi at sili.Hinanap kaagad ng mga mata ko ang kubyertos pero wala kaya tumayo ako para kumuha na lang pero tiningnan ako ni Kazz
"Saan ka pupunta? ayaw mo ba nitong pagkain?" tanong nya kaya agad akong umiling "Kukuha lang ako ng kubyertos dahil wala pa pala,saan ba dito yun?" tanong ko pero bumungisngis lang ulit si Kazz saka umiling
"Kamayan to,hindi tayo gagamit ng kubyertos.Marunong ka bang magkamay?" tanong nya,umupo ako ulit saka umiling.Kaya pala Kamayan ang pangalan sa labas,literal na kamayan pala.Nilapit ni Kazz sakanya yung maliit na kawali saka ihinalo dun yung extra rice,nilagyan nya yun ng toyo,kalamansi at kulay orange na parang mantika saka dinurog hanggang sa maging kulay orange na yung kanin,hinimay nya din yung manok at inalis sa stick bago inilapit pabalik sakin,nagsalin din sya nung cola at beer sa dalawang baso.Nagtataka ko naman syang tiningnan kaya tiningnan nya din ako "What are you waiting for? start eating,gutom ka na diba?"
Dahil sa sinabi nya ay muling tumunog ang tyan ko,umiling ako saka nagumpisang kumain.Tila naging puso ang mga mata ko ng malasahan ang pagkain ko.Ang sarap!
Ngayon lang ako nakakain nito at talagang masarap sya!Nakailang salin na ng kanin sa maliit na kawali ko at tinitimplahan yun ni Kazz bago ibigay sakin.Paniguradong lalaki ang bill namin nito dito,magkano kaya ang paghahatian namin?wala pa naman yung wallet ko dahil naiwan sa sasakyan
Pagkaabot ni Kazz nung pang-lima kong kanin ay sunod-sunod ang pagsubong ginawa ko hanggang sa mabulunan ako kaya agad kong inabot yung baso at tinungga ang laman nun.Ang sarap talaga!
"L-Lime,b-beer ko yung ininom mo" namutla ako dahil sa sinabi ni Kazz.Ito ang unang beses kong makainom ng alak,bakit hindi ko man lang nalasahan?
"G-ganun ba,humingi ka na lang ng panibagong baso.Hindi ko kasi napansin eh" sagot ko,ang laki pa naman nung baso,parang pitsel na.Paniguradong malalasing ako kaagad nito
"Ayos ka lang bang uminom ng alak?magagalit si Chaze kapag nalaman nya,ang dami pa naman nun" alalang tanong nya habang nakatingin dun sa baso,ngumiti ako at tumango.Parang nararamdaman ko na ang paginit ng tenga at pisngi ko,oh my
BINABASA MO ANG
Married to be Fooled
Romansa[Nishikido Series #1] A Womanizer and a girl who dreams to be a nun,what kind of life will they have after their arranged marriage? xxxxxx [UNDER REVISION] Dia Jenny as Lime Kasper Suarez Got7 Yugyeom as Chazekio nishikido Amazing cover by-@ lolathe...