Pang-Tatlumpu't Tatlo

154 26 3
                                    

"Nasan si Soul?inang yun!iniwan nanaman tayo!"-reklamo ni Shire habang nagbibihis,tapos na ang shift nila sa booth nila kaya makaka-gala nanaman sila at makakapang-gulo nanaman sa iba pang booth

"Pupunta daw sya sa booth nila Lime,puntahan na lang natin dun"-sagot naman ni Vixen habang isinisintas ang rubber shoes

"Eh si Chaze?isa pa ang gagong yun,tunakas nanaman sa shift nya,alam namang iilan lang tayo"-tanong ulit ni Shire na tapos ng magbihis at naka-upo na lang dahil hinihintay ang mga kasama
"Probably off to somewhere disappointing God"-sagot naman ni Kazz na busy sa pagla-laso ng buhok,tumawa naman ang dalawang ugok saka sabay sabay na lumabas dahil pare-pareho ng tapos mag-bihis

"Saan tayo ngayon?"-tanong ni Vixen habang naglalakad sila,nakatingin naman ang mga babaeng nalalagpasan at tila mga naka-kita ng artista

"OMG!ang gwapo talaga ni Kazz!"

"Sinabi mo pa!napaka-manly ng features nya!"

"Mag gwapo si Shire no!ang gwapo pa ng ngiti!"
"Cute din naman si
Vixen no!pagpantasyahan nyo na sila,basta akin si Vixen!"-natawa sila sa huling nagsalita,parang isa lamang laruan si Vixen kung angkinin nito

"Yak!"-bulong ni Vixen habang naglalakad pa din sila,humalakhak naman ang dalawa pa saka sya tinukso

"Mga puta kayo tigilan nyo,bibigwasan ko kayo parehas"-banta ni Vixen pero tinawanan lang sya ng dalawang kasama

"Dun na lang tayo sa field,madaming chicks dun eh"-yaya ni Shire,tumango na labg ang dalawa saka sila dumiretcho papuntang field.

                         -----

Itinali ko yung buhok ko pagka-tapos kong magbihis,si Caren na ang pumalit sakin dun sa booth at pwede na daw akong mag-libot libot na.

Ni-lock ko lang yung locker ko saka lumabas na,naka-sandal si Soul sa pader kaya nilapitan ko sya saka tinapik at agad naman syang napa-angat ng tingin

"Tara na?"-tanong ko,ngumiti lang sya saka tumango at nag-umpisa na kaming maglakad,sasamahan ko lang syang maglibot ngayon dahil katulad ko ay hindi din nya nai-enjoy ang foundation day dahil busy sya sa booth nila.

Umalis naman muna sila Maddie,Iory at Khallil dahil biglang sumama ang pakiramdam nya at ipinatawag naman si Psyche ng lolo nya kaya siguro ay sa susunod na lng kami bibili ng damit

"Kamusta naman ang booth nyo?"-tanong nya habang naglalakad kami,ngumiti lang ako bago sumagot.Sa tingin ko naman ay maganda ang naging takbo ng booth namin.

"Sa tingin ko ay maganda naman,sa loob ng limang araw ay malaking halaga na ang nakolekta namin mula sa mga benta at tips"-sagot ko,tumango naman sya saka ngumiti

"Buti naman,sikat na sikat ka nga eh.Hanggang sa ibang course ay pinag-uusapan ka,yung iba eh nagtatangka pang ligawan ka daw,hindi nila alam eh naka-bakod na sa'yo si Chaze,Hahaha!"-tawa nya habang nagke-kwento,ngumti lang ako saka napa-iling.Ayoko pa naman ng atensyon,ayoko ng pinagti-tinginan.

Napalingon ako kay Soul nung hilahin nya ko papasok sa isang booth.

"Booth pala 'to ng mga tourism,nandito kaya ang mga kaibigan ni Eia?"-tanong ko habang inililibot ang tingin pero hindi ko sila nakita.Sabagay,si Sherwin pa lang nakikilala ko kaya hindi ko sigurado kung sino dito ang kaibigan nga.

Ilang araw na ding hindi nagpaparamdam 'yong si Eia.Ang huling kita namin eh nung nahimatay sya bigla

"Kilala mo yun?"-tanong ni Soul kaya nilingon ko sya saka ako tumango

"Sya yung sinasabi ko sayong kakilala ko nung una tayong nagka-kilala"-sagot ko,mukha naman syang nagtaka sa sinabi ko pero tumango din

"Ah,buti at naging kaibigan mo yun,iniiwasan ang isang yun dahil malakas ang tama,kung ano anong kalokohan ang pinaggagawa dito eh"-paliwanag nya habang nag-iisip,halata ngang maloko si Eia pero mabait naman sya

Married to be FooledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon