Pangatlo

290 77 43
                                    

Nakatitig ako sa sarili kong repleksyon.Ngayon na ang araw na pinakakinatatakutan ko.Ngayon na ang araw ng kasal ko at wala man lang akong nagawa para pigilan 'to.Sana mapatawad ako ni sister Lucia at sister Ignacia.Hindi ko na matutupad ang pangako ko sakanila,ang pangako ko sa sarili ko.

Nakasoot ako ng isang tube white na gown,sumasayad ang kahabaan nito sa lapag at napakaraming sequins ang nakadikit dito,may malalaking gems din ang naka attatch sa likod.

Maganda din ang pagkakaayos ng buhok ko at make up,mukha akong prinsesa.Pero hindi ako isang prinsesa.Isa dapat akong madre.Nagsisilbi sana ako ngayon sa Diyos at sa kumbento.

Hindi ako makapaniwala na ngayon na ang araw ng kasal ko.Ngayon na natatapos ang pag-asa kong makapag madre

Minadali talaga nila ang lahat para mapadali din ang pag memerge ng mga kompanya,lahat ng 'to para sa kompanya.

"Smile miss Lime,para madagdagan lalo ang kagandahan mo."-nakangiting sambit nung stylist pero umiwas lang ako ng tingin.Pa'no 'ko makaka-ngiti kung wala na 'kong kalayaan?

Kung sana ay hinayaan na lang ako ni papa na pumasok sa kumbento ay mas malaya sana akong nakangiti.Kaso,hindi eh.Pilit to,planado.Pakiramdam ko eh isa kong manikang de remote kontrol.

"Lets go miss Lime.Nasa,simbahan na daw po sila sir Chaze"-biglang pasok ng driver,nagbuntong hininga muna ako bago tumayo at saka lumabas.

Nakita ko ang isang puting kotse na pinalamutian ng mga bulaklak.

Inalalayan akong makapasok dun,nung makasakay na ko eh agad din kaming umalis.

Sana kaya kong tumakbo palayo,sana kaya kong takasan to,sana panaginip na lang to,sana magising na lang ako bigla.Ayoko na.Gusto ko ng tumakbo palayo

"Miss Lime,nandito na po tayo"-nabalik ako sa katawan ko dahil sa sinabi ng driver,ayoko na.Sana magising na lang aking bigla

Dahan dahan akong bumaba,sinalubong kaagad ako ng papa ko.Nakalahad ang kamay nya habang nakangiti.

Hinawakan ko yun saka kami naglakad papasok.Kinakabahan ako.

"Smile anak,this is your special day"-sambit nya pero di ko pinansin,nanatili akong naka-tingin sa malayo.Talo ko pa ang isang paslit na ninakawan ng kalayaan.Bakit hindi hindi ako pwedeng magdesisyon para sa sarili ko?

Hindi ko alam kung sinong niloloko nya,yung sarili nya ba o ako?

This isn't my special day,this will never be my special day.

Naka-soot ako ng veil kaya hindi mapapansin ang hindi ko pag-ngiti,hindi ko kayang ngumiti ngayon.

Nakita ko na si Chaze na nakatayo malapit sa altar at nakangisi.He is wearing a white with touch of gold tux.

Beside him is a man,I think eh kaidad nya lang.Nakangisi din 'to habang naka-tingin sakin

Nung makalapit na kami eh inabot na ni papa ang kamay ko kay Chaze.Nginisian ako ni Chaze saka kami tumalikod kay papa

"Smile my gorgeous soon to be wife"-nakangisi nyang sambit.Humalakhak namn ng mahina yung nasa tabi nya.

Hindi ko na lang sya pinansin,naglakad kami palapit sa pari at sinabi ang mga pangakong wala namang katotohanan.

Nakakahiya,nagsinungaling ako sa harap ng Diyos

******

Nandito na kami sa hotel,nakapagpalit na din ako ng damit

I'm just wearing a simple white cross open back dress na iniabot sakin nung stylist.Hanggang sa pananamit ay kontrolado nila 'ko,nakakatawa

Halos lahat ng bisita eh mga negosyante,yung iba sa tingin ko eh mga kaibigan ni Chaze.

Wala naman si Maddie kaya wala akong bisita.Hindi nya alam na ikakasal ako,hindi ko nasabi sakanya dahil may problema din sya ngayon at ayokong dumagdag pa.Kanya kanya ng usapan ang mga bisita,karamihan ay tungkol sa business,yung iba naman ay nagpa-plano ding ipakasal ang mga anak nila sa mga kasosyo nila sa negosyo

Wala din si Chaze dahil umalis kaagad sila nung kaibigan nya at hindi ko alam kung saan sila pumunta,mag isa ako dito sa long table at kumakain.

Nakakagutom pala ang ikasal,tsk!iba't ibang klase ng pagkain ang inilapag sa lamesa kaya kinain ko na lang,pagkatapos kong kumain eh tumayo ako.

Tama,pupunta na lang ako dun,matagal tagal na din mula ng huling punta ko dun.Kinuha ko yung slingbag ko saka sinukbit to sa balikat ko

"Where are you going?"-nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Chaze sa likod ko.

Ramdam ko ang hininga nya sa leeg ko,humakbang ako ng tatlo palayo sakanya saka lumingon

"May pupuntahan lang ako,wala naman akong bisita kaya okay lang siguro na umalis ako"-paliwanag ko,ngumisi namn sya bigla saka nilingon ang mga bisita

"We're married already.My guests are your guest's too,you are Mrs.Chazekio Nishikido now."-nakangisi nyang sambit,umiling naman kaagad ako

"They're not my guests,I dont even know them.You should be the one to accompany them"-sabi ko saka nagpatuloy sa paglabas.

Nakita ko si mang Bert na nakatayo sa labas ng kotse ko.nilapitan ko sya kaagad

"Oh.Maam Lime,congratulations nga po pala"-naka-ngiting bati nya,umiling lang naman ako

"Manong akin na po yung susi"-saad ko saka ko nilahad yung kamay ko

"P-pero maam--"-ngumiti naman ako sakanya saka tumango

"Nagpaalam po ako kaya ok lang,may pupuntahan lang po ako"-paliwanag ko,inabot nya sakin yung susi saka ngumiti ng alanganin

"Kung ihatid ko na lang po kayo?"-alok nya pero umiling lang ako saka sumakay sa kotse at nagdrive.

Married to be FooledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon